Metro Manila lubog sa magdamagang ulan

LUBOG sa baha ang maraming kalsada sa Metro Manila dahil sa halos walang tigil na pag-ulan dulot ng habagat kahapon.

metro manila lubog sa magdamagang ulan - Metro Manila lubog sa magdamagang ulan
ABANTE BAHA - Metro Manila lubog sa magdamagang ulan

LUBOG sa baha ang maraming kalsada sa Metro Manila dahil sa halos walang tigil na pag-ulan dulot ng habagat kahapon.

Sa monitoring ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)- Flood Control Unit, lumaki ng hanggang tuhod ang mga baha sa lugar ng Rizal Avenue, Kalaw Street, España Avenue sa kanto ng Vicente Cruz Street, sa Altura, Concha street, Recto Avenue at Quirino Avenue-West Zamora sa Maynila.

Umakyat rin hanggang tuhod ang baha sa Dagat-Dagatan Avenue sa Caloocan City; Andrews Avenue at 12th Street sa Pasay City; EDSA-Ortigas northbound at southbound sa San Juan.

Dakong alas-12:00 nang hatinggabi sa Makati City, hindi nadaanan ng sasakyan ang Mola hanggang Pasong Tamo at Dela Rosa hanggang Pasong Tamo habang umakyat hanggang tuhod ang baha sa EDSA-Guadalupe northbound.

Habang sa Las Piñas, binaha ang Zapote viaduct na hindi nadaanan ng mga maliliit na sasakyan habang binaha naman sa Taguig ang Deva Village, Labao Street sa Barangay Ibayo Tipas at Katwiran Street sa Barangay Napindan.

Sa Quezon City, nagkaroon ng baha sa Barangay Talayan hanggang tuhod sa Banawe/Retiro na hindi nadaanan ng mga maliliit na sasak­yan at Don Jose/Don Manuel hanggang tuhod na baha.

Patuloy naman ang monitoring ng MMDA, lokal na pamahalaan at pulisya sa kondisyon ng baha lalo na tuloy-tuloy pa rin ang pag-ulan na nagsimula nitong Biyernes hanggang Sabado.

Ayon sa Philippine Atmosphe­ric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), hangin­g habagat ang siyang nagdadala ng pag-uulan sa Metro Manila at malaking bahagi ng Luzon, habang ang trough o extension ng Low Pressure Area (LPA) na namataan sa Catanduanes ang nakakaapekto sa Visayas at Bicol.

Apektado ng hanging habagat ang Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Zambales, Bataan, Pampanga, Metro Manila, Mimaropa at Calabarzon habang apektado ng LPA ang Visayas, Bicol Region, Caraga at Northern Mindanao.

Pinag-iingat ng Pagasa ang publiko sa pagbaha at landslide dahil sa inaasahang magtutuloy tuloy ang mahina hanggang katamtamamg lakas ng ulan.

Ang namataang LPA na may la­yong 1,135 mula Virac,Catanduanes ay inaasahang magiging ganap na bagyo sa araw ng Linggo o Lunes, papangalanan itong bagyong Hannah.

Malayo ang ang nasabing bagyo at hindi ito inaasahang papasok ng Phi­lippine Area of Responsibility (PAR).

Nagbabala din ang Pagasa sa mga naninirahan malapit sa coastal areas gayundin sa mga mangingisda na mag-ingat dahil inaasahang tatatas ng hanggang 4.6 meter ang alon dala na rin ng ihip ng hanging habagat. (Armida Rico/Tina Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *