Metro Manila GCQ pa rin buong Oktubre

Pinanatili ni Pangulong Rodrigo Duterte ang general community quarantine (GCQ) status sa buong Metro Manila.

The post Metro Manila GCQ pa rin buong Oktubre first appeared on Abante.

metro manila gcq pa rin buong oktubre - Metro Manila GCQ pa rin buong Oktubre
abante metro manila 1 - Metro Manila GCQ pa rin buong Oktubre

Pinanatili ni Pangulong Rodrigo Duterte ang general community quarantine (GCQ) status sa buong Metro Manila.

Ito ang inianunsiyo ni Presidential Spokesman Harry matapos ang pulong ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases sa Pangulo nitong Lunes.

Ayon kay Roque, ang bagong classification ay magiging epektibo sa loob ng isang buwan simula sa October 1 hanggang sa October 31, 2020.

Pinakamahigpit namang classification ang Lanao del Sur kasama ang Marawi City na inilagay sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Inilagay naman ng Pangulo sa general community quarantine (GCQ) ang Iloilo City simula sa October 1 pero sa ngayon ay nasa MECQ pa ang lungsod hanggang katapusan ng Setyembre.

Gaya ng Metro Manila, nasa GCQ status rin ang mga lalawigan ng Batangas, sa Luzon; Tacloban City at Bacolod City para sa Visayas; at Iligan City sa Mindanao.

Ang natitirang mga lugar sa bansa ay inilagay sa MGCQ hanggang October 31.

Nananatili ang pakiusap ng Palasyo sa publiko na panatilihin ang pag-iingat laban sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagsusuot ng face mask, face shield, pagsunod sa social distancing at ang madalas na paglilinis ng mga kamay gamit ang alcohol o hand sanitizer. (Aileen Taliping)

The post Metro Manila GCQ pa rin buong Oktubre first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *