Metro Manila balik MECQ, fake news

Hindi totoong hihigpitan ng gobyerno ang quarantine status sa Metro Manila habang papalapit ang Kapaskuhan.

The post Metro Manila balik MECQ, fake news first appeared on Abante.

metro manila balik mecq fake news - Metro Manila balik MECQ, fake news
abante mecq - Metro Manila balik MECQ, fake news

Hindi totoong hihigpitan ng gobyerno ang quarantine status sa Metro Manila habang papalapit ang Kapaskuhan.

Nauna nang kumalat sa social media ang “advance copy” ng isang “confidential” memorandum na mula umano sa Philippine National Police – NCR Police Office – Regional Intelligence Division.

Sa hindi pirmadong dokumento, nakasaad na “As of December 19, 2020, Modified Enhanced Community Quarantine will be properly implemented in Metro Manila.”

Kapwa tinanggi nina Presidential Spokesperson Harry Roque at Defense Secretary Delfin Lorenzana ang impormasyon.

“No. Fake news,” tugon ni Roque sa mga reporter nitong Disyembre 19.

“This is not true,” ayon naman kay Lorenzana sa isang pahayag.

Punto ng huli, inanunsiyo na noon ni Pangulong Duterte na mananatili sa General Community Quarantine (GCQ) ang NCR hanggang sa dulo ng 2020.

“Neither the IATF nor the mayors of Metro Manila recommended any shift in the quarantine status in this period,” ayon sa kalihim.

Samantala, sinabi ni NCRPO chief Brig. Gen. Vicente Danao na hindi opisyal ang kumalat na dokumento dahil hindi naman ito pirmado. (RC)

The post Metro Manila balik MECQ, fake news first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *