Metro konti patay, balik ECQ ibasura

Tuluyan na umanong mamamatay ang ekonomiya kapag muling isinailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

metro konti patay balik ecq ibasura - Metro konti patay, balik ECQ ibasura
Ramon Lopez - Metro konti patay, balik ECQ ibasura

Tuluyan na umanong mamamatay ang ekonomiya kapag muling isinailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay DTI Sec. Ramon Lopez, hindi niya ito irerekomenda sa inter-agency task force (IATF) dahil nakalatag naman ang mga health protocols at kailangan lang itong mahigpit na ipatupad para maiwasan
ang pagkalat ng COVID-19.

“Hindi kailangan isara yung buong city or yung buong lugar kasi mamamatay na talaga yung ekonomiya kapag pinagpatuloy pa ulit. May mga paraan po tayo ngayon na community and surgical yung ating
paglo-lockdown,” ani Lopez.

Ang patuloy aniyang pagtaas ng kaso ng mga positibo sa virus ay resulta ng isinasagawang massive testing ng gobyerno kaya natutukoy ang mga tinatamaan ng COVID-19.

“Tumaas yung testing capacity natin kaya tumataas talaga yung bilang.
Siguro tignan din natin yung trend sa mga namamatay, kumokonti naman po,” dagdag ng kalihim.

Tiniyak din ng DTI na sumusunod ang mga nagbukas na negosyo sa mga health protocols tulad ng paghuhugas ng kamay, temperature scanning, pagsusuot ng face mask at social distancing.

Nakatakdang ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 31 kung magkakaroon ng pagbabago sa mga umiiral na quarantine measures sa iba’t-ibang bahagi ng bansa alinsunod sa kasalukuyang estado ng bansa dahil sa krisis sa pandemya.

Samantala, umiiral pa rin sa malaking bahagi ng bansa ang modified general community quarantine (MGCQ) at GCQ tulad ng Metro Manila samantalang tanging Cebu CIty lang ang nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ).(Mia Billones)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *