Messenger buwis-buhay sa payroll robbery

PATAY ang isang messen­ger matapos barilin ng riding-in-tandem makaraang
mag-withdraw ng pera sa bangko para sa suweldo ng mga empleyado ng isang restaurant sa Brgy. Kapitolyo, Pasig City Biyernes nang hapon.

The post Messenger buwis-buhay sa payroll robbery appeared first on Abante News Online.

messenger buwis buhay sa payroll robbery - Messenger buwis-buhay sa payroll robbery
abante tandem - Messenger buwis-buhay sa payroll robbery

PATAY ang isang messen­ger matapos barilin ng riding-in-tandem makaraang
mag-withdraw ng pera sa bangko para sa suweldo ng mga empleyado ng isang restaurant sa Brgy. Kapitolyo, Pasig City Biyernes nang hapon.

Batay sa nakalap na report mula sa Eastern Police District, naganap ang pamamaril bandang alas-2:05 nang hapon sa kahabaan ng St. Martin De Porres ng nasabing barangay.

Dead-on-arrival sa Rizal Medical Center ang biktima na si Regie Canillo y Rodrigo, 31, messenger ng Tipsy Pig Restaurant sa Pasig City.

Ayon sa report, nag-withdraw ng pera para pampasuweldo ang biktima sa isang bangko sa Timog Avenue, Quezon City.

Hinihinalang sinundan ng riding-in-tandem ang biktima at nang makarating sa Brgy. Kapitolyo ay doon na ito binaril saka kinuha ng mga suspek ang dalang bag na naglalaman ng P262,000 na pag-aari ng nasabing restaurant.

Patuloy pa ang imbes­tigasyon ng Pasig City Police sa insidente para matukoy ang mga suspek. (Vick Aquino)

The post Messenger buwis-buhay sa payroll robbery appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *