Meralco walang ‘disconnection’ hanggang Enero 31

Pinalawig pa ng Manila Electric Company (Meralco) ang kanilang “no disconnection policy” hanggang katapusan ng Enero 2021.

The post Meralco walang ‘disconnection’ hanggang Enero 31 first appeared on Abante.

meralco walang disconnection hanggang enero 31 - Meralco walang ‘disconnection’ hanggang Enero 31
abante meralco bill - Meralco walang ‘disconnection’ hanggang Enero 31

Pinalawig pa ng Manila Electric Company (Meralco) ang kanilang “no disconnection policy” hanggang katapusan ng Enero 2021.

Ito ang kinumpirma ni House Speaker Lord Allan Velasco bilang tugon sa kanyang liham kay Meralco president Ray Espinosa na humihiling ng extension ng putulan ng kuryente para sa buong Christmas season hanggang sa dulo ng susunod na buwan.

Sa liham na tugon ni Espinosa kay Velasco, sinabi ng una na matapos ang “careful evaluation” at konsiderasyon sa hiling ng huli ay ie-extend ng Meralco ang polisiya nitong walang magaganap na putulan ng suplay ng kuryente sa mga kostumer na hindi pa nakapagbabayad ng bill mula Disyembre 31, 2020 hanggang Enero 31, 2021.

“The extended grace period being given to our fellow Filipinos during the holiday season will provide much needed reprieve to those reeling from the devastating effects of the pandemic and natural calamities,” sabi ng House leader sa isang pahayag ngayong Linggo, Disyembre 20.

Ayon sa Meralco head, makikinabang sa extension ang higit tatlong milyong customer nila na may kinokonsumong 200 kilowatt per hour pababa ngayong buwan.

Katumbas aniya ito ng 47 porsiyento ng kabuuang customer base ng Meralco. (RC)

The post Meralco walang ‘disconnection’ hanggang Enero 31 first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *