Meralco-MVP pagbayarin sa dagdag-singil — Colmenares

KUNG nabigo ang Manila Electric Company (Meralco) na makapagbigay ng sapat na suplay ng kuryente sa kanilang customer, ang kompanya ng negosyanteng si Manny V. Pangilinan ang siyang dapat umako sa dagdag na bayarin imbes na ipasa ito sa kanilang mga customer.

The post Meralco-MVP pagbayarin sa dagdag-singil — Colmenares appeared first on Abante News Online.

meralco mvp pagbayarin sa dagdag singil colmenares - Meralco-MVP pagbayarin sa dagdag-singil — Colmenares
mvp meralco1 - Meralco-MVP pagbayarin sa dagdag-singil — Colmenares

KUNG nabigo ang Manila Electric Company (Meralco) na makapagbigay ng sapat na suplay ng kuryente sa kanilang customer, ang kompanya ng negosyanteng si Manny V. Pangilinan ang siyang dapat umako sa dagdag na bayarin imbes na ipasa ito sa kanilang mga customer.

Ito ang iginiit ni Bayan Muna chairman at senatorial bet Neri Colmenares dahil hindi naman kasalanan ng mga electric consumer ang pagsa-shutdown ng mga power plant para ipasa sa kanila ang dagdag na bayarin sa kuryente.

“Meralco has a contract with the public to deliver electricity. If it is unable to deliver for whatever reason, that is not the public’s problem. Consumers shouldn’t be made to carry additional costs.

“Meralco’s failure to deliver means it has committed breach of contract. So why should the public be the one to pay?” rason pa ng senatorial candidate.

Dagdag pa ni Colmenares, dapat saluhin din ng mga generation company ang dagdag bayarin sa kuryente dahil sila naman ang pinagsimulan ng problema sa power shortage kaya’t sumipa ang presyo ng kuryente sa spot market.

“Tama lang ito dahil sila naman talaga ang may kasalanan. May kontrata sila to deliver electricity to the public pero ‘di nila naibigay. Kung nasira ang boiler o anumang problema ‘yan, kargo nila dapat. ‘Wag nilang ikarga sa aming consumers. Ibig sabihin sila ang magbayad sa power shortage at resultang pagtaas ng presyo ng kuryente na sila din naman ang may kagagawan,” diin ni Colmenares.

“Parang may kontrata tayo, you gencos failed to deliver. So kayo ang may breach of contract kaya bakit kami ang pagbabayarin?” dagdag ng Makabayan senatorial candidate.

Ipinaliwanag nito na dahil sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) ay napahintulutan na tumaas ang presyo kapag manipis ang supply ng kuryente sanhi ng shutdown ng mga planta.

Binigyang-diin ni Colmenares na hindi dapat makatakas sa pananagutan ang mga generation company sa pagpasa sa publiko ng mataas na bayarin sa kuryente na dulot ng pagsa-shutdown ng mga planta.

“Sila na nga may kasalanan kumita pa sila. Fair ba yun?” himutok ni Colmenares. (Aries Cano)

The post Meralco-MVP pagbayarin sa dagdag-singil — Colmenares appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *