Meralco-MVP isunod sa ABS-CBN

Posibleng sapitin ng Manila Electric Company ( Meralco ) ni Manny V. Pangilinan ang kapalaran ng ABS-CBN Corp. kung hindi ito susunod sa kautusan ng Energy Regulatory Commission (ERC), ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, chairman ng Senate energy committee.

The post Meralco-MVP isunod sa ABS-CBN first appeared on Abante.

meralco mvp isunod sa abs cbn - Meralco-MVP isunod sa ABS-CBN
abante meralco - Meralco-MVP isunod sa ABS-CBN

Posibleng sapitin ng Manila Electric Company ( Meralco ) ni Manny V. Pangilinan ang kapalaran ng ABS-CBN Corp. kung hindi ito susunod sa kautusan ng Energy Regulatory Commission (ERC), ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, chairman ng Senate energy committee.

Sabi ni Gatchalian, maaring rebyuhin ng Kongreso ang prangkisa ng Meralco kapag nakitaan ito ng pag-abuso sa kanilang mga konsumer.

“Pwede, in fact itong ABS-CBN franchise parang naging benchmark na ‘yung mga sins of the past, yung mga kasalanan mo dati pwedeng ilabas ‘yan at sa pagre-renew ng franchise pwede kang balikan nito dahil nga public service to eh at hindi porket nakalampas ka ng isang beses eh sa dulo kakalimutan na,” pahayag ni Gatchalian sa panayam sa radyo.

“So yung mga ganitong pagkakamali pwede maging dahilan ito sa pagkakansela ng franchise, pag re-review ng franchise. In fact, pabor ako na meron periodic review ang franchise,” dagdag pa nito.

Ginawa ni Gatchalian ang pahayag matapos pagmultahin ng ERC ang Meralco ng P19 milyon dahil sa kabiguan nitong magpaliwanag hinggil sa ‘bill shock’ sa panahon ng lockdown.

Batay sa resolusyon ng ERC, ayon sa senador, inatasan din ng komisyon ang Meralco na magbigay ng diskuwento sa may 2.7 milyong ‘lifeline’ konsumer na nagkakahalaga ng P1.9 peso kada kilowatt hour.

“Hindi porket binigay tapos na dahil meron tayong mga distribution utilities na hindi sumusunod sa direktiba ng regulator,” sabi ni Gatchalian.

“Dapat umayos sila dahil nasa pandemya tayo at mga konsyumers natin tulirong-tuliro ngayon kaya tulungan na lang ng ating distribution companies na paintidi sa ating mga kababayan at dapat patas sila dahil nga ito ay may direktiba na,” dagdag pa nito.

Sa pagdinig sa Senado noong Hulyo, sinabi ni Gatchalian na hindi malinaw ang pagpapaliwanag ng mga distribution companies hinggil sa kanilang mga dagdag na singil tulad ng environmental charge, Feed-In-Tariff Allowance (Fit-ALL) charges at iba pa. (Dindo Matining)

The post Meralco-MVP isunod sa ABS-CBN first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *