Meralco-MVP bitaw na sa coal plant!

NANAWAGAN ang ilang electricity consu­mers sa Manila Electric Company (Meralco) ni Manny V. Pangilinan na bitawan na ang coal bilang source ng kur­yente.

meralco mvp bitaw na sa coal plant - Meralco-MVP bitaw na sa coal plant!
mvp 3 - Meralco-MVP bitaw na sa coal plant!

NANAWAGAN ang ilang electricity consu­mers sa Manila Electric Company (Meralco) ni Manny V. Pangilinan na bitawan na ang coal bilang source ng kur­yente.

Ang Meralco ang may-ari ng Atimonan Ome Energy na tinututulan ng mga residente doon dahil sa masamang epekto nito sa kalusugan at kalikasan.

Ayon sa Power for People convenor Gerry Arances, ang A1E ang naiwang bidder para sa 20-year supply contract ng 1,200 megawatt greenfield capacity na kukuhanin sa mga bagong planta.

Sabi ni Philippine Movement for Climate Justice Ian Rivera, parating nabibigo ang pagpapatakbo ng A1E at nanloloko na ang proponents nito para lang makakuha ng pondo.

“A1E has repeatedly tried and failed to get the 1,200 MW Atimonan power station up and running despite strong opposition from the public. Every step of the way, the proponents have tried to deceive and cut corners just so the plant could secure funding and permits, sabi ni Rivera.

Dagdag pa niya, hindi kinilala ng Environmental Impact Assessment ng A1E ang polusyong magagawa nito at lalong hindi ito naglatag ng mekanismo para mapagaan ang polusyon at kaduda-duda ang pagkakakuha nito ng certificate of energy project of national importance sa ilalim ng Executive Order No. 30.
“Consumers want clean, affordable, renewable energy, not the kind of energy being forced by Meralco and its sister generation companies into our bills,” sabi pa ni Arances.

Nanawagan si Arance­s kay Pangilinan at sa iba pang mga director ng Meralco na bitawan na ang mga coal plant. Dagdag pa niya, nagiging mas mura na ang renewable at nanawagan na rin si Pangulong Rodrigo Duterte na iwasan na ang coal plants.

Sabi naman ni Rivera, P15 bilyon na ang ikinalugi ng Meralco Generation as of december 2018 kaya’t desperado na itong patakbuhin ang A1E.

“Ang pangako sa aming trabaho ng koumpanya ay hindi totoo. Nawalan pa nga ng kabuhayan ang marami sa aming mga kababayan dahil sa pagkasira ng kalikasan alang-alang sa coal-fired power plant,” sabi ni Bianca Opalda ng KAPAKA­NAN Atimonan. (Eileen Mencias)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *