Meralco-MVP atat sa sweetheart deal

MINAMADALI umano ng Manila Electric Company (Meralco) ni Manny V . Pangilinan ang pagmamaneobra sa bidding process ng mga Power Supply Agreement upang mahirapan ang ibang supplier na maka-comply sa mga requirement upang sa gayon ay makuha ng kanilang mga affiliates ang kontrata na tinawag na ‘sweetheart deal’.

meralco mvp atat sa sweetheart deal - Meralco-MVP atat sa sweetheart deal
Manny V. Pangilinan - Meralco-MVP atat sa sweetheart deal

MINAMADALI umano ng Manila Electric Company (Meralco) ni Manny V . Pangilinan ang pagmamaneobra sa bidding process ng mga Power Supply Agreement upang mahirapan ang ibang supplier na maka-comply sa mga requirement upang sa gayon ay makuha ng kanilang mga affiliates ang kontrata na tinawag na ‘sweetheart deal’.

“Meralco is rushing the bidding process practically making it difficult for suppliers, other than its affiliates of course, to reasonably bid for supply agreements,” ayon kay Bayan Muna chairman Neri Colmenares.

Ayon dito, nagsagawa ng prebid conference ang Meralco para sa tatlong malalaking supply contracts na halos 2,800 megawatts na pumipilay sa mga suppliers na hindi affiliate ng Meralco.

Aniya, minamadali ng Meralco ang bidding sa tatlong kontrata sa September 11, 2019 kahit na ang supply ay kukuhanin pa sa 2024.

“Why the sudden rush? This rush makes it nearly impossible for bidders to make a sound and intelligent bid with barely a month to prepare, unless the supplier was given advance information by Meralco,” ayon pa sa Bayan Muna chairman.

Bukod pa umano dito, nagtakda pa ng technical requirement ang Meralco na lalong nagpahirap sa ilang planta habang pumapabor sa Atimonan plant na pag-aari nito.

Samantala, ikinatuwa nina Colmenares at Rep. Carlos Isagani Zarate ang Supreme Court announcement na nagsasapinal sa desisyon nito na nagpapawalang bisa sa 90 Power Supply Agreement (PSAs) na hindi umano sumailalim sa bidding.

Gayunman, ayon kina Colmenares at Zarate na dahil sa ipinaiiral na Department of Energy (DOE) Circular 2019-02-003, pinapayagan ang Meralco na magkaroon ng full control sa bidding process at pumasok sa kasunduan sa mga kaalyado nilang kompanya.

“What is being employed by Meralco in the bidding process is DOE Circular 2018-02-003 which ousted the DOE from supervising the bidding and allow Meralco control of the bidding process. While the original DOE Circular DC2015-06-0008 requires a third party auctioner recognized by the DOE to oversee the competitive selection process (CSP), DC 2018-02-003 no longer requires DOE recognized Third Party, thereby ousting the DOE from ensuring that no irregularities and self-dealing will take place in the CSP or bidding,” sabi ni Colmenares.

Dahil umano sa nasabing DOE circular ay nawalan ng third party na nagbabantay sa bidding at tanging ang Meralco na lang ang may kontrol sa proseso.

Hindi rin pinagkakatiwalaan ang composition ng bids and awards committee dahil sa limang miyembro nito, tatlo ang taga-Meralco at dalawa lamang para sa consumers na Meralco din ang pipili.

Lubha umanong nalalagay sa alanganin ang mga consumer dahil nangyayaring iregulardad sa bidding process na pumapabor sa mga kaalyadong kompanya ng Meralco.

Anila, nakatakdang magsampa ng panukala ang Bayan Muna na titiyak sa partisipasyon ng mga consumer sa bidding ng mga public utility agency.

Nanawagan sila sa SC at DOE na tingnan at maglabas na patakaran na nagtatakda ng third party supervision sa bidding process upang matiyak na ang power supply contract na kukunin ng Meralco ay ang pinakababa ng presyo na papabor sa mga consumer. (Eileen Mencias)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *