Meralco maintenance sa gitna ng summer

MAY panibagong kalbaryo na naman ang Manila Electric Company (Meralco) ni Manny V. Pangilinan sa mga kustomer sa Metro Manila at kalapit na lalawigan.

The post Meralco maintenance sa gitna ng summer appeared first on Abante News Online.

meralco maintenance sa gitna ng summer - Meralco maintenance sa gitna ng summer
ABANTE meralco mvp kuryente - Meralco maintenance sa gitna ng summer

MAY panibagong kalbaryo na naman ang Manila Electric Company (Meralco) ni Manny V. Pangilinan sa mga kustomer sa Metro Manila at kalapit na lalawigan.

Ito ay dahil sa makararanas na naman ngayong linggo ng pansamantalang pagkawala ng kuryente sa ilang mga lugar sa Luzon.

Ayon sa Meralco, ito ay dahil sa iba’t ibang maintenance works na gagawin sa mga nasabing lugar.

Ilan sa mga lugar sa Metro Manila na makakaranas ng brownout ay sa Bagumbong at Camarin sa Caloocan City ngayong Abril 2, sa pagitan ng alas-9:00 ng umaga at alas-dos ng hapon. Ngayong Lunes naman ang power interruption sa Sta. Ana at Sta. Mesa sa pagitan ng alas-7:00 at alas-7:30 ng umaga.

Mawawalan din ng kuryente sa bahagi ng Sampaloc sa Maynila sa Abril 2-3 at Abril 4-5 mula alas-11:30 ng gabi hanggang alas-5:30 ng madaling-araw. Mauulit ang power interruption sa Sta. Mesa sa Abril 3 sa pagitan ng alas-nuwebe ng umaga at alas-2:30 at alas-tres ng hapon.

Nauna naman ang power interruption sa Manggahan, Pasig nitong Marso 31 hanggang Abril 1 sa pagitan ng alas-11:30 ng gabi hanggang alas-4:30 ng madaling-araw.

Nakaiskedyul din ang brownout sa San Ildefonso at San Miguel sa Bulacan at sa Candaba, Pampanga sa Abril 3-4 sa pagitan ng alas-11:30 ng gabi hanggang alas-sais ng umaga.

Hagip din ang Norzagaray at San Jose del Monte City sa Abril 6 sa pagitan ng ala-una ng madaling-araw at alas-singko at alas-sais ng umaga.

May power interruption din sa Liliw, Nagcarlan, Pila at Sta. Cruz sa Laguna sa Abril 2.

The post Meralco maintenance sa gitna ng summer appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *