Meralco hindi sumunod sa Korte Suprema sa CSP

MISTULANG nilabag ng Meralco ang naging panuntunan na inilabas ng Supreme Court (SC) hinggil sa pagsasagawa ng Competitive Selection Process (CSP) dahil sa hindi umano makatotohanan na isinagawang bidding.

meralco hindi sumunod sa korte suprema sa csp - Meralco hindi sumunod sa Korte Suprema sa CSP
meralco 4 1 - Meralco hindi sumunod sa Korte Suprema sa CSP

MISTULANG nilabag ng Meralco ang naging panuntunan na inilabas ng Supreme Court (SC) hinggil sa pagsasagawa ng Competitive Selection Process (CSP) dahil sa hindi umano makatotohanan na isinagawang bidding.

Nitong nakaraang linggo, tila nagsasagawa ng ‘mind conditioning’ ang Meralco para sa kanilang mga consumer at pinapa­labas na matagumpay ang isinagawang CSP kung saan sinasabi nila na makakatipid daw umano ang publiko ng P13 bilyon para sa susunod na 10 taon at ang kanilang Third Party Bid and Award Committee (TBAC) ay gumawa ng isang mahusay na trabaho.

Napag-alaman na ang TBAC na siyang nangasiwa sa isinagawang CSP ay binubuo ng karamihan ng mga opisyal ng Meralco at mga pili nilang tao.

Maliban dito, paano makakasali ang ilang kompanya umano sa bidding process kung 7 araw lang ang ibinigay sa kanila na palugit habang kailangan lang magba­yad ng P6 milyon para makita lamang ang mga kumpletong bid document kung saan 40 araw lamang ang ibinigay para mag-prepare para sa bidding.

Lumalabas na kung talagang sinunod nila ang kautusan ng Supreme Court para sa isang transparent at competitive bidding, kinakailangang 120 hanggang 150 na araw ang dapat na ibigay na preparas­yon sa mga bidder.

Matatandaan na naghain ng petisyon sa SC sina Bayan Muna Chairman Neri Colmenares at Rep. Carlos Zarate laban sa Meralco para hindi matuloy ang bidding na gagawin para sa 1200 MW Atimonan project at 1,700 MW project dahil paniwala ng dalawa na maninipulahin lamang ng kompanya ito na siyang magiging dahilan upang tumaas nang husto ang presyo ng kuryente sa susunod na sampung taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *