Meralco bumaba singil sa kuryente

Bababa ang singil sa kuryente ngayong buwan sa service area ng Manila Electric Company (Meralco ) ng 3.95 sentimos per kilowatt hour o katumbas ng P8 bawas sa bill ng kuryente ng 200 kWh konsumo sa isang buwan.

The post Meralco bumaba singil sa kuryente first appeared on Abante.

meralco bumaba singil sa kuryente - Meralco bumaba singil sa kuryente
abante meralco bill - Meralco bumaba singil sa kuryente

Bababa ang singil sa kuryente ngayong buwan sa service area ng Manila Electric Company (Meralco ) ng 3.95 sentimos per kilowatt hour o katumbas ng P8 bawas sa bill ng kuryente ng 200 kWh konsumo sa isang buwan.

Ayon sa Meralco, nasa P8.5105 per kWh ang kuryente ngayong Nobyembre at P1.35 per kWh na ang nabawas sa presyo nito simula nung Enero.

Ito rin ayon sa Meralco ang pangatlong pinakamababang presyo ng kuryente simula September 2017.

Sabi ng Meralco, bumaba ang presyo ng kuryente dahil bumaba ang generation charge ng 2.15 sentimor per kWh at nabawasan naman ang transmission charge ng 1.8 sentimos per kWh.

Dagdag ng Meralco, suspendido pa rin ang paniningil ng tinatawag na universal charge-environmental charge na P00.0025 per kWh ayon sa kautusan ng Energy Regulatory Commission.

Hindi man magpuputol ng kuryente ang Meralco sa mga hindi nakakabayad na ang konsumo ay 200 kWh sa isang buwan, malapit namang maputulan ang mga hindi bayad na ang konsumo ay 201 kWh pataas na hindi sakop ng advisory ng ERC tungkol sa diskoneksyon. (Eileen Mencias)

The post Meralco bumaba singil sa kuryente first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *