Meralco bawasan ang kasakiman – Hontiveros

“Isang systematic at smarter mechanism ang dapat iimplementa para masiguradong hindi na mauulit ang bill shock na nagpa-stress sa mga electric consumers.”

The post Meralco bawasan ang kasakiman – Hontiveros first appeared on Abante.

meralco bawasan ang kasakiman hontiveros - Meralco bawasan ang kasakiman – Hontiveros
abante merlaco - Meralco bawasan ang kasakiman – Hontiveros

“Isang systematic at smarter mechanism ang dapat iimplementa para masiguradong hindi na mauulit ang bill shock na nagpa-stress sa mga electric consumers.”

Ito ang pahayag ni Senadora Risa Hontiveros kasabay na paghikayat sa Energy Regulatory Commission (ERC) na gumawa ng mga reporma para hindi maulit ang ‘bill shock’ sa Meralco consumers sa Metro Manila.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Energy sa panukalang extension sa lifeline subsidy, sinabi ni Hontiveros na ang multang ipinataw sa Meralco dahil sa pagkabigo nitong maipaliwanag ng mabuti ang pagtataya sa billing ay barya lang kung tutuusin dahil sa mas mataas nitong kita mula sa mas mataas ng powers rates.

“Ano mang panahon, may pandemya o wala, dapat siguraduhing walang nananamantala. Bagama’t welcome ang penalty na ito, ang P19M na nawala sa bulsa ng Meralco ay katiting lang kumpara sa bilyun-bilyon nilang kinikita,” sabi ni Hontiveros.

“I-moderate natin ang kasakimang ito para mas malaking ginhawa sa mga konsyumer,” dagdag pa nito.

Paliwanag ni senadora, maaring maglagay ang ERC ng smarter system na tutugon sa problema sa billing sa panahon ng emergency at kailangan din lumipat sa renewable energy.

“Tiyak na maraming karanasan at pag-aaral tungkol sa operation ng smart grids, smart metering systems, at renewable energy. Pero ano pa mang sistema, alam naman natin na ang ‘greed’ ay hindi nababagong basta ng teknolohiya. Tungkulin ng regulatory body gaya ng ERC na siguraduhing walang industry players ang nanlalamang,” sabi ni Hontiveros.

“Hindi dapat sinasamantala at pinagkakakitaan ng mga industriyang ito ang maliliit na konsyumer na ngayo’y dapang-dapa dahil sa dagok ng pandemya,” wika pa nito. (Dindo Matining)

The post Meralco bawasan ang kasakiman – Hontiveros first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *