Mental health sa FB Live ni Loren

Tatalakayin ang mga isyu sa mental health at ang kahalagahan ng mental wellness sa gitna ng COVID-19 pandemic at iba pang kalamidad sa ika-anim na episode ng online discussion series ni House Deputy Speaker at Antique Rep. Loren Legarda.

mental health sa fb live ni loren - Mental health sa FB Live ni Loren
abante loren - Mental health sa FB Live ni Loren

Tatalakayin ang mga isyu sa mental health at ang kahalagahan ng mental wellness sa gitna ng COVID-19 pandemic at iba pang kalamidad sa ika-anim na episode ng online discussion series ni House Deputy Speaker at Antique Rep. Loren Legarda.

Ngayong Huwebes, Hunyo 25, ganap na alas-10:00 ng umaga ipalalabas sa Facebook Live (facebook.com/conglorenlegarda o facebook.com/CCCPhl) ang nasabing episode sa online discussion series ni Legarda na “Stories for a Better Normal: Pandemic and Climate Pathways.”

Ito’y sa gitna na rin ng mga ulat na may mga taong nakararanas ng pagkabalisa, stress at depresyon dahil sa pagkalat ng COVID-19 at mga ginawang paghihigpit para masiguro ang kaligtasan laban sa naturang sakit.

Makakasama ni Legarda, isa sa may-akda ng Mental Health Act noong senador pa, sina dating Philippine Psychiatric Association president Dr. Rene Samaniego; National Professional Officer on Mental Health of the World Health Organization – Philippines, Dr. Jasmine Vergara; at Psychosocial Support Focal of the Philippine Red Cross, Mr. Prednison Morales, RSW.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *