Mega task force wala pang direksyon

Magtatayo umano ng operation center ang Mega task force para matukoy kung anong ahensiya ng gobyerno ang unang isasalang sa imbestigasyon.

The post Mega task force wala pang direksyon first appeared on Abante.

mega task force wala pang direksyon - Mega task force wala pang direksyon
abante task force - Mega task force wala pang direksyon

Magtatayo umano ng operation center ang Mega task force para matukoy kung anong ahensiya ng gobyerno ang unang isasalang sa imbestigasyon.

Ayon kay Justice Undersecretary at Spokesman Emmeline Villar, hanggang ngayon ay wala pang natutukoy kung alin ang partikular na alegasyon ng korapsyon ang iimbestigahan na.

“Pakay palang ng task force na ma-organisa ang operations center at kapag na-set up na ito ay saka namin iisa- isahin ang pwedeng unang imbestigahan sa mga ahensiyang natukoy na uunahin,”ayon kay Villar.

” Ang publiko po ay maaaring magbigay ng tips, complaints o kahit anong impormasyon tungkol sa aktibidad na ilegal sa anumang ahensiya ng gobyerno,”ani Villar.

Sinabi ni Villar na kung ang publiko ang mismong nakakita o nakarinig ng corrupt activities, maaari po silang tawaging witness kung sakaling magfa-file ng kaso doon sa mga taong isinumbong nila,”dagdag ni Villar. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Mega task force wala pang direksyon first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *