Medialdea nagbabala sa mga scammer

PINAG-IINGAT ang publiko laban sa mga manggagantsong gumagamit sa tanggapan ng Office of the Executive Secretary para magkapera.

The post Medialdea nagbabala sa mga scammer appeared first on Abante News Online.

medialdea nagbabala sa mga scammer - Medialdea nagbabala sa mga scammer
medialdea 1 - Medialdea nagbabala sa mga scammer

PINAG-IINGAT ang publiko laban sa mga manggagantsong gumagamit sa tanggapan ng Office of the Executive Secretary para magkapera.

Naglabas ng babala si Executive Secretary Salvador Medialdea matapos makatanggap ng report na ginagamit ang kanyang tanggapan sa iba’t ibang modus.

Bukod sa name dropping, sinabi ni Medial­dea na nagamit din ang kanyang opisina sa pang­hihingi ng pera gaya ng solicitation.

“Notice is hereby gi­ven to the public that unscrupulous individuals have been using the Office of the Executive Secretary (OES), or name dropping the latter in fraudulent schemes to solicit funds from the public,” ani Medialdea.

Pinapangakuan umano ang mga hinihingan ng pera ng posisyon o puwesto sa gobyerno sa tulong ng Office of the Executice Secretary.

Binigyang-diin ni Medialdea na walang sinuman sa Office of the President o OES ang binibigyan ng pahintulot na mag-solicit kapalit ng puwesto sa gobyerno.

“In particular, please be warned that the Office of the President (OP) or the OES has not authorized any person to solicit money or other things of value from the public in exchange for a position in government,” dagdag pa ni Medialdea. (Aileen Taliping)

The post Medialdea nagbabala sa mga scammer appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *