Media sinisi ni Panelo sa aberya sa commute challenge

IBINALING ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa media ang sisi sa aberyang inabot ng ilang pasahero sa ginawa nitong commute challenge noong nakalipas na Biyernes.

media sinisi ni panelo sa aberya sa commute challenge - Media sinisi ni Panelo sa aberya sa commute challenge
panelo abante - Media sinisi ni Panelo sa aberya sa commute challenge

IBINALING ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa media ang sisi sa aberyang inabot ng ilang pasahero sa ginawa nitong commute challenge noong nakalipas na Biyernes.

Sinabi ni Panelo na walang dahilan para mag-sorry siya sa publiko dahil ang media ang nakagawa ng perwisyo nang dumugin siya sa bahagi ng Cubao sa kanyang commute challenge.

Isinikreto aniya nito ang kanyang biyahe subalit naging mai­ngay ang media kaya bahagyang nabulabog ang mga pasahero sa sinakyan nitong pampasaherong jeep.

“Siguro ang dapat mag-apolo­gize ‘yung mga nasa media kasi if you recall I declined coverage despite the pakiusap ng mga MPA at itinago ko kung saan ako pupunta at saan ang aking lakad. Pero kung naaberya man, sandaling-sandali lang naman, sa Cubao lang naman nagkaroon ng ano eh, na-stall lang ng few minutes,” ani Panelo.

Binigyang-diin ng kalihim na pinagbigyan lamang nito ang hamon ng mga militante para patunayang alam ng gobyerno ang dinaranas na sakripisyo ng publiko.

“Sila naman ang naghamon, pinagbigyan ko lang sila just to put a lie to their thinking that we in the government do not know the suffering of these people,” dagdag pa ni Panelo.

Kasabay nito nilinaw ni Pa­nelo na kung gagawin nito ng diretso ang kanyang biyahe ay posibleng aabutin lamang ng kinse hanggang bente minutos hanggang Malacañang.

Sinadya aniya nito ang kanyang naging ruta noong Biyernes para maranasan ‘yung dinaranas ng mga pasahero kaya mula sa Hemady, Aurora Boulevard ay nagtungo ito sa Cubao, pagkatapos ay Concepcion, Marikina at saka bumalik hanggang sa makarating sa Mendiola, Manila.

Kung itinuloy aniya nito ang pagsakay sa Light Rail Transit (LRT) ay tiyak na maraming maaabala kaya nakiangkas na lamang ito sa motorsiklo papasok sa Malacañang. (Aileen ­Taliping)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *