Media katuwang sa public service, ‘di kalaban

KINASTIGO ni Ang Probinsyano Party-list Rep. Ronnie Ong ang bagong talagang National Capital Region Police Office (NCRPO) officer-in-charge dahil sa ginawang pagtanggal nito sa press office sa Quezon Police Station 10 sa Kamuning, Quezon City.

media katuwang sa public service di kalaban - Media katuwang sa public service, ‘di kalaban
media - Media katuwang sa public service, ‘di kalaban

KINASTIGO ni Ang Probinsyano Party-list Rep. Ronnie Ong ang bagong talagang National Capital Region Police Office (NCRPO) officer-in-charge dahil sa ginawang pagtanggal nito sa press office sa Quezon Police Station 10 sa Kamuning, Quezon City.

Sinabi ni Ong na malaking pagkakamali ang ginawa ni Police Brig. Gen. Debold Sinas sa pagpapalayas sa media na siyang umoo­kupa sa naturang press office sa nakalipas na tatlong dekada.

Bukod sa pagtanggal ng media office, binawalan din umano ng heneral ang media sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Binanggit pa ni Ong na hindi dapat kunsintihin ni PNP OIC Police Lt. General Archie Gamboa ang paghihigpit ni Sinas sa media.

Saad ni Ong, itinuturing dapat na katuwang sa public service ang media at hindi kalaban.

Nanawagan din si Ong kay Gamboa na mahigpit na ipatupad ang kampanya laban sa matatabang pulis. (JC Cahinhinan)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *