Mayor Rex sasampolan PLDT-MVP, Converge

Matapos patikimin ng suspensiyon ang operasyon ng North Luzon Expressway (NLEX) sa Valenzuela City dahil sa kapalpakan ng cashless payment, puntirya naman ngayon ni Mayor Rex Gatchalian ang PLDT Inc. ni Manuel V. Pangilinan at ang Converge ICT Solutions Inc.

The post Mayor Rex sasampolan PLDT-MVP, Converge first appeared on Abante.

mayor rex sasampolan pldt mvp converge - Mayor Rex sasampolan PLDT-MVP, Converge
abante rex gatchalian - Mayor Rex sasampolan PLDT-MVP, Converge

Matapos patikimin ng suspensiyon ang operasyon ng North Luzon Expressway (NLEX) sa Valenzuela City dahil sa kapalpakan ng cashless payment, puntirya naman ngayon ni Mayor Rex Gatchalian ang PLDT Inc. ni Manuel V. Pangilinan at ang Converge ICT Solutions Inc.

Pinatawag kahapon ng umaga ni Gatchalian ang mga kinatawan ng PLDT at Convere para pagpaliwanagin kaugnay sa palpak ding serbisyo ng mga ito sa kanilang mga kustomer sa Valenzuela City.

Nabatid na noong Lunes ng umaga, inulan ng tawag at reklamo ang opisina ni Mayor Gatchalian matapos na biglang mawalan ng internet habang kasagsagan ng online classes pati naang mga empleyado na work-from-home.

Dahil dito, kaagad nag-schedule ng meeting ang alkalde sa mga kinatawan ng PLDT at Converge para malaman kung bakit laging nawawala ang internet connection nila.

Sabi ni Gatchalian, holiday season pa palpak na ang serbisyo ng dalawang kompanya sa kanilang mga subscriber.

Nagbanta ang alkalde sa PLDT at Converge na hindi siya mangingiming suspendehin ang business permit ng mga ito kapag hindi inayos ang kanilang serbisyo.

Mas makakabuti sabi pa ni Gatchalian, na magbigay kaagad ng abiso ang pamunuan ng mga nasabing kumpanya sa kanilang mga kustomer, na mawawalans sila ng internet connection upang mapaghandaan at magawan ng paraan ng mga subscriber.

“Kami sa LGU ang inuulan ng reklamo sa palpak na serbisyo ng PLDT at Converge, bukod sa mabagal na minsan talagang walang internet eh. Malaking perwisyo sa mga consumer kasi nagbabayad sila ng tama kaya dapat lang na maayos ang serbisyo sa tao,” ani Gatchalian.

Humingi naman ng paumanhin ang mga kinatawan ng PLDT at Converge at sinabing bahagi ng kanilang pag-a-upgrade kaya kung minsan ay biglang nawawalan ng internet.

“PLDT Cares I’m turning into your errands boy…people are lodging their complaints and concerns on my twitter account bec you guys refuse to act on your clients concerns. I don’t work for you!!! Your boss doesn’t pay for my salary!!! Sige lang, push me some more. Let’s see what happens. Sobrang daming complaints vs PLDT and Converge,” saad pa ni Gatchalian sa Facebook post nito. (Orlan Linde)

The post Mayor Rex sasampolan PLDT-MVP, Converge first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *