Mayor, gov, mga gov’t exec aprub ang kahandaan

Kuntento ayon sa Malacañang si Pangulong Rodrigo Duterte sa naging pagtugon ng local government units at mga ahensya ng gobyerno sa mga biktima ng bagyong Rolly.

The post Mayor, gov, mga gov’t exec aprub ang kahandaan first appeared on Abante.

mayor gov mga govt exec aprub ang kahandaan - Mayor, gov, mga gov’t exec aprub ang kahandaan
abante pag hahanda - Mayor, gov, mga gov’t exec aprub ang kahandaan

Kuntento ayon sa Malacañang si Pangulong Rodrigo Duterte sa naging pagtugon ng local government units at mga ahensya ng gobyerno sa mga biktima ng bagyong Rolly.

“Tingin ko po ang paningin ng Presidente, he would like to commend all local government units, all departments and agencies of government dahil napakita naman natin na dahil sa ating kahandaan, nabawasan natin yung aberya,” pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa briefing kahapon.

Ang pahayag ay ginawa ni Roque dahil sa maliit na bilang ng mga nasawi sa bagyo at maagap na paglikas sa mga residente.

“The goal should be zero casualty. Pero dahil tingin ko naman po, nag-evacuate ang mga tao. Nagkaroon ng forced evacuation, nabasawan talaga ang ating casualty sa bagyong ito,” ayon pa sa Spokesman ng Pangulo.

“Sa susunod, we will still aim for zero casualties. So, we still ask for the continuing cooperation of our people,” dagdag nito.

Kasabay nito ay nagpasalamat si Roque sa lahat ng suporta para matutukan ang mga biktima ng bagyo. (Prince Golez)

The post Mayor, gov, mga gov’t exec aprub ang kahandaan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *