Maynilad -MVP pinagmulta ng MWSS

Pinagmumulta ng Metropolitan Water and Sewerage System ang Maynilad Water Services Inc. sa mga customer nito sa isang barangay sa Las Piñas City dahil sa masahol nitong serbisyo doon.

The post Maynilad -MVP pinagmulta ng MWSS appeared first on Abante News Online.

maynilad mvp pinagmulta ng mwss - Maynilad -MVP pinagmulta ng MWSS
MVP MWSS MAYNILAD - Maynilad -MVP pinagmulta ng MWSS

Pinagmumulta ng Metropolitan Water and Sewerage System ang Maynilad Water Services Inc. sa mga customer nito sa isang barangay sa Las Piñas City dahil sa masahol nitong serbisyo doon.

“The MWSS Board of Trustees has resolved to penalize Maynilad Water Services Inc. for its failure to comply with its service obligations under the concession agreement,” sabi ni MWSS chief regulator Patrick Lester Ty kahapon.

Pinare-refund ng MWSS sa Maynilad ang mga customer nito sa Barangay Captain Albert Aguilar sa Las Piñas ng P2,500 bawat connection. Isasauli ang P2,500 sa bawat tahanan o koneksyon sa bill at iaawas lamang ang nakonsumo hanggang sa masauli na ang buong halaga sa customer.

Sabi ni Ty, pinagmulta ang Maynilad dahil hindi nito nabig­yan ng 24/7 na tubig ang mga taga-Barangay CAA nitong Mayo 2019 at hindi umaabot sa seven psi ang pressure ng tubig doon sa mahigit na 15 araw at nilagay nito sa panganib ang kalusugan ng mga tao doon.

“Due to Maynilad’s failure to meet its service obligations under the concession agreement, a financial penalty has been imposed. Maynilad has been ordered by the MWSS BOT to rebate to the consumers that were severely affected in the identified area the amount of P2,500 per water service connection/household,” sabi nit Ty.

Ipoproseso ng MWSS regulatory office ang implementasyon ng rebate sa mga taga Barangay CAA, Las Piñas sa lalong madaling panahon at siniguro nito sa publiko na ginagawa nila ang lahat na kaya ng kanilang kapangyarihan para proteksyunan ang interes ng consumer, dagdag ni Ty.

Samantala, sa pahayag na inilabas ng Maynilad, sinabi nitong makikipagpulong pa ito sa MWSS upang malaman umano kung paano umabot sa ganitong halaga ang ipinataw na penalty. (Eileen Mencias)

The post Maynilad -MVP pinagmulta ng MWSS appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *