Maynilad-MVP 5 araw walang tubig!

Limang araw na mawawalan ng maayos na supply ng tubig ang mga residente sa malaking bahagi ng Valenzuela at Quezon City matapos na lumubog sa tubig ang apat na bomba ng tubig ng Maynilad Water Services dahil sa tumagas na discharge line mula sa kanilang North C Annex Pumping Station.

The post Maynilad-MVP 5 araw walang tubig! first appeared on Abante.

maynilad mvp 5 araw walang tubig - Maynilad-MVP 5 araw walang tubig!
Maynilad - Maynilad-MVP 5 araw walang tubig!

Limang araw na mawawalan ng maayos na supply ng tubig ang mga residente sa malaking bahagi ng Valenzuela at Quezon City matapos na lumubog sa tubig ang apat na bomba ng tubig ng Maynilad Water Services dahil sa tumagas na discharge line mula sa kanilang North C Annex Pumping Station.

Sa inilabas na abiso ng MWS, bandang alas 3:40 ng hapon noong Biyernes nang tumagas ang kanilang discharge line sa nasabing pumping station.

Magtatagal ng limang araw ang gagawing pagsasaid sa tubig at reinstallation ng apat na lumubog na pump para muling maging operational ang nasabing istasyon.

Dahil dito, magpapatupad ng araw-araw na water service interruption ang MWS simula noong Biyernes hanggang Setyembre 9, 2020 sa ilang bahagi ng Valenzuela at Quezon City upang matiyak na magkakaroon ng tubig ng ilang oras kada araw ang lahat ng apektadong customer.

Pinayuhan din ng MWS ang mga apektadong customer na mag-ipon ng tubig sa mga oras na available ang supply sa kanilang mga lugar.

Tiniyak naman ng kompanya na mayroon silang mga naka-standby na water tanker para mag-deliver ng tubig sa mga residente kung kinakailangan.

Kabilang sa mga naapektuhang customer ay mula sa mga barangay Commonwealth (Republic at Sto, Nino Extension), Payatas, Greater Fairview, North Fairview, Sta Monica IV, Bagbag, Bagong Silangan, Batasan Hills, Holy Spirit,Nagkaisang Nayon, San Bartolome, Sauyo, Sta. Lucia, at Talipapa sa Quezon City at Barangay Ugong sa Valenzuela City naman na sumasakop sa Horbart Village 2 at Dona Marciana.(Mia Billones)

The post Maynilad-MVP 5 araw walang tubig! first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *