Maynila target: pinakamayaman sa Metro

Kotongerong enforcer hinubaran ni Isko

Inaasahan ni Manila­ ­Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso na ang siyudad ng Maynila ang magiging pinakamayan sa National Capital Region (NCR) sa loob ng susunod na tatlong taon.

maynila target pinakamayaman sa metro - Maynila target: pinakamayaman sa Metro
isko 18 - Maynila target: pinakamayaman sa Metro

Inaasahan ni Manila­ ­Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso na ang siyudad ng Maynila ang magiging pinakamayan sa National Capital Region (NCR) sa loob ng susunod na tatlong taon.

Ang pahayag ay ginawa ni Moreno sa harap ng mga investor sa ginanap na business forum sa Manila Polo Club nitong Biyernes.

Sinabi ni Moreno, ang Manila ay makakakuha ng mala­king share mula sa Bureau of Customs (BOC), na aabot sa P90 bilyon sa mga susunod na taon.

“It’s a Supreme Court decision with finality. So meron na kaming kita sa port operation. And, remember, marami ka­ming port,” ayon kay ­Moreno.

Nabatid na noong 2017, pinalitan ng Makati, ang Quezon City bilang pinakamayaman na siyudad sa NCR.

Umaasa si Moreno na maraming papasok na investment sa Maynila.
“Sinasabi ko sa inyo, Yayaman ang Maynila,” giit ni Moreno.

Ayon kay Moreno hindi siya nangangarap kundi ito ay base sa facts. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *