‘May mararating’ video naka-3.5M views

UMABOT  na sa 3.5 mil­yong viewers ang “May Mararating” video ng 1PACMAN sa YouTube.

The post ‘May mararating’ video naka-3.5M views appeared first on Abante News Online.

may mararating video naka 3 5m views - ‘May mararating’ video naka-3.5M views
1PACMAN Partylist - ‘May mararating’ video naka-3.5M views

UMABOT  na sa 3.5 mil­yong viewers ang “May Mararating” video ng 1PACMAN sa YouTube.

Sa usapang trending, makikita ang lubos na suporta ng mamamayan sa 1PACMAN o 1 Patriotic Coalition of Marginalized Nationals sa isang YouTube video na umabot sa halos 3.5 million ang viewers.

Sa nasabing video, iginuhit ni 1PACMAN Congressman Mikee Romero na may mararating ang Pilipinas sa tulong ng sa isang tapat na lider. 

“Pag-asa at inpirasyon ang hangarin ko para sa lahat,” ang sabi ng solon sa video.

Dito rin niya pinahayag  ang kanyang portpolyo sa pagtulong. Ayon sa kanyang tanggapan, nakapagbigay na siya ng mahigit 10,000 na trabaho  at 12,000 na scholarships.

Bago pa man pumasok sa politika ay marami na siyang kontribusyon sa ekonomiya ng Pilipinas. Nu’ng siya ay nasa pribadong sektor, napamoderno niya ang Manila North Harbor at ang pag-ayos pa ng  budget travel sa ilalim ng AirAsia Philippines. 

Ilang programang naitaguyod ng 1PACMAN ay ang 1PACMAN Scho­larship Program kung saan nakapagpaaral ito ng 12,000 na estudyante at nakapagbigay ng 10,000 scholarship sa TESDA.

Naitatag din ng partido ang Abot-Alam Program para mabigyan ng pagkakataong ang mga out-of-school youth na mag-aral ulit.

Sina Senator Manny Pacquiao at Senator Lito Lapid ang naglahad ng testimonya at  makikitang sumasayaw sa mga video na nagpapaalala sa mga botante sa 1PACMAN. 

The post ‘May mararating’ video naka-3.5M views appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *