May-ari ng nasunog na Pacific Coast Plaza kinastigo sa ‘di gumanang sprinkler

PINAGPAPALIWANAG ngayon ng Paranaque Bureau Fire Protection ang may-ari ng nasunog na Pacific Coast Plaza na kung saan isang matandang babae ang nasawi at anim ang sugatan sa limang oras na naganap na sunog sa Barangay Tambo Paranaque City kamakalawa ng hapon.

The post May-ari ng nasunog na Pacific Coast Plaza kinastigo sa ‘di gumanang sprinkler appeared first on Abante News Online.

may ari ng nasunog na pacific coast plaza kinastigo sa di gumanang sprinkler - May-ari ng nasunog na Pacific Coast Plaza kinastigo sa ‘di gumanang sprinkler
coaast - May-ari ng nasunog na Pacific Coast Plaza kinastigo sa ‘di gumanang sprinkler

PINAGPAPALIWANAG ngayon ng Paranaque Bureau Fire Protection ang may-ari ng nasunog na Pacific Coast Plaza na kung saan isang matandang babae ang nasawi at anim ang sugatan sa limang oras na naganap na sunog sa Barangay Tambo Paranaque City kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Parañaque Fire Marshall Supt Robert Pacis, kailangang ipaliwanag ng may ari ng gusali kung bakit hindi kaagad gumawa ang sprinkler ng gusali at kung bakit ma- nual ang control nito samantalang dapat ay automatic ito.

Sinabi ni Pacis na nakipag usap na sa kanya ang abogado ng may ari ng gusali o condominium na nakilalang si Atty. Arellano at kinakailangan magpaliwag hinggil dito.

Aniya, kanilang susulatan ang may-ari ng Pacific Coast Plaza na matatagpuan sa Villamar St. Barangay Tambo upang magbigay ng paliwanag kung bakit huli na nang gumana ang sprinkler ng buong gusali kaya’t lumaki ang nasabing sunog.

Bukod pa dito aniya, iimbitahan din nila ang mga building administrator, security guard at ilang sa mga tenants nang nasabing gusali upang kuhanan ng pahayag hinggil sa naganap na sunog.

Sinabi pa ni Pacis, bubusisiin din nila ang mga closed circuit television (CCTV) camera sa buong gusali na puedeng makatulong sa kanilang isinasagawang imbestigasyon.

“Ito pong gusaling ito ay corporate, iba’t iba ang may ari kayat ito ay aming inaalam ngayon kaya sa lalong madaling panahon po kinakailangan makipag-ugnayan sa amin ang building administrator para sa isasagawang imbestigasyon,” ani ni Pacis.

Dakong alas-onse kamakalawa ng umaga nang magsimula ang sunog sa ika-21 palapag hanggang at mabilis na kumalat ang apoy at nadamay ang limang pang palapag (18,19,20,22 at 23) na kung saan agad na itinaas sa ge neral alarm
Pahayag pa ni Pacis, hindi muna pinabalik ang ibang mga tenants sa buong gusali hangga’t hindi pa natatapos ang kanilang isinasagawang imbestigasyon. (Armida Rico)

The post May-ari ng nasunog na Pacific Coast Plaza kinastigo sa ‘di gumanang sprinkler appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *