May-ari ng apartment todas sa nangungupahan

HINDI na nagawa ng isang binata na makapag-asawa at magkaroon ng sariling pamilya, matapos itong bawian ng buhay nang saksakin ng tenant na siningil nito ng renta sa Caloocan City, kamakalawa.

The post May-ari ng apartment todas sa nangungupahan appeared first on Abante News Online.

may ari ng apartment todas sa nangungupahan - May-ari ng apartment todas sa nangungupahan
dead 6 - May-ari ng apartment todas sa nangungupahan

HINDI na nagawa ng isang binata na makapag-asawa at magkaroon ng sariling pamilya, matapos itong bawian ng buhay nang saksakin ng tenant na siningil nito ng renta sa Caloocan City, kamakalawa.

Sa operating room ng Manila Central University (MCU) Hospital nalagutan ng hininga si John Axle Guireba, 25, naninirahan sa No. 201 Lirio St., Brgy. 155 ng nasabing lungsod.

Nadakma naman sa follow-up operation ang suspek na si Christi Modesto, 46, ng No. 17 Zoi Lirio St., Bagong Barrio, Caloocan City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:00 nang gabi, nagpunta si Guibera sa inu­upahang apartment ni Modesto upang singilin ito sa upa.

Napag-alaman na may ilang buwan na ring hindi nakakabayad ang suspek kaya siningil na ito ng biktima.

Pero hindi nagustuhan ni Modesto ang paniningil ni Guibera hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa.

Sumunod na tagpo, kumuha ng patalim ang suspek at sinaksak sa dibdib ang biktima.

Nahaharap sa kasong homicide si Modesto. (Orlan Linde)

The post May-ari ng apartment todas sa nangungupahan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *