May-ari ng airline dedo sa plane crash

TINATAYANG isa sa pinakamayamang Russian, patay si Natalia Fileva, co-owner ng Siberia Airlines, matapos sumadsad ang sinasakyang eroplano sa Germany.

The post May-ari ng airline dedo sa plane crash appeared first on Abante News Online.

may ari ng airline dedo sa plane crash - May-ari ng airline dedo sa plane crash
plane crush - May-ari ng airline dedo sa plane crash

TINATAYANG isa sa pinakamayamang Russian, patay si Natalia Fileva, co-owner ng Siberia Airlines, matapos sumadsad ang sinasakyang eroplano sa Germany.

Ang eroplano ay patungo sana ng France sa siyudad ng Egelsbach, dumausdos alas-9:30 nang gabi oras sa Pilipinas.

Bukod pa kay Fileva, patay din ang isa pang pasaherong lulan ng aircraft, maging ang pilotong nagmamando rito.

Tatlong police officer naman ang napuruhan sa nasabing insidente matapos magmada­ling makapunta sa pinangyarihan

Si Fileva, asawa ng S7 chief executive na si Vladislav Filev, ay ang pang-apat na pinakamayamang babae sa Russia ayon sa Forbes magazine na tinatayang may $600M na net worth.

“On March 31, 2019, S7 Airlines shareholder Natalia Fileva was killed at the age of 55 during the descent in a private Epic-LT plane to Frankfurt airport. The cause of the tragedy is not yet known,” ayon sa kompanya ni Fileva.

“After impact, the aircraft was completely burnt out,” saad naman ng mga pulis.

Maliban kay Fileva, hindi pa batid ang pagkakakilanlan ng dalawa pang namatay sa plane crash.

The post May-ari ng airline dedo sa plane crash appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *