‘Matulis’ na karpintero laglag sa Malabon

arrested-snatcher

DINAMPOT na ng mga pulis ang isang karpintero na itinuturing na No. 3 top most wanted sa kasong panggagahasa, matapos itong makorner sa Malabon City, kamakalawa nang hapon.

The post ‘Matulis’ na karpintero laglag sa Malabon appeared first on Abante News Online.

matulis na karpintero laglag sa malabon - ‘Matulis’ na karpintero laglag sa Malabon
arrested snatcher - ‘Matulis’ na karpintero laglag sa Malabon

DINAMPOT na ng mga pulis ang isang karpintero na itinuturing na No. 3 top most wanted sa kasong panggagahasa, matapos itong makorner sa Malabon City, kamakalawa nang hapon.

Kinilala ang akusado na si Ronnie Padunan, 38-anyos, nakatira sa M. Sioson, Brgy. Dampalit ng nasabing lungsod.

Sa rekord ng Malabon Police, wanted sa kasong rape ang suspek matapos halayin ang kanyang kapit-bahay may dalawang taon na ang nakararaan.

Nagtago na ito sa batas makaraang malaman na nakademanda na ito at hindi na rin dumalo sa mga hearing.

Bandang alas-dos nang hapon, nakatanggap ng report sina P/Lt. Rolando T. Domingo ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Malabon Police na nakita daw sa kanilang lugar si Padunan.

Hindi na nag-aksaya ng panahon ang grupo ni Lt. Domingo kaya bitbit ang warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Rhoda Magdalene L. Malile-Osinada ng Malabon City Regional Trial Court (RTC) Branch 289 sa kasong rape under criminal case number 17 – 1198, pinuntahan nila ang bahay ng suspek at inaresto ito.

Payapa namang sumama sa mga pulis si Padunan, kaya hindi ito nasaktan.
Nakakulong na ang aksusado sa Malabon Facility Custodial, habang ibinalik na ng mga tauhan ng WSS sa Korte ang warrant of arrest nito. (Orlan Linde)

The post ‘Matulis’ na karpintero laglag sa Malabon appeared first on Abante News Online.

1 thought on “‘Matulis’ na karpintero laglag sa Malabon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *