Matibay Pinoy, babangon tayo -Duterte

Positibo si Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng mga sunud-sunod na kalamidad na tumama sa bansa kaya tiniyak nitong makakabangon ang Pilipinas.

The post Matibay Pinoy, babangon tayo -Duterte first appeared on Abante.

matibay pinoy babangon tayo duterte - Matibay Pinoy, babangon tayo -Duterte
Duterte 9 - Matibay Pinoy, babangon tayo -Duterte

Positibo si Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng mga sunud-sunod na kalamidad na tumama sa bansa kaya tiniyak nitong makakabangon ang Pilipinas.

“Alam ko na naghihirap kayo, alam ko na kailangan niyo ng tulong at alam ko na inaasahan ninyo na ‘yung tulong aabot sa madaling panahon sa lugar ninyo,” pahayag ng Pangulo nang humarap sa publiko kahapon.

“Kaya natin ito, ilang pahirap na ng panahon… Babangon din tayo, mahirap pero alam mo naman ang Pilipino, alam niyang tumindig uli,” dagdag ng Pangulo.

Kasabay ng pahayag ay inanunsyo ng Pangulo ang ginawang paglikha ng task force na mangangasiwa sa rehabilitation at relief efforts sa mga lugar na tinamaan ng mga nagdaang bagyo.

“Ang gobyerno ay gumagawa ng mga patakaran para matulungan makabangon yong tinamaan ng epekto ng typhoon. Kaya sa madalian gumawa ako ng hakbang…creation of a task force. Ito naman….to streamline, para madali ang rehabilitation efforts,’ pahayag pa ni Duterte.

The post Matibay Pinoy, babangon tayo -Duterte first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *