Matibay, ligtas na pabahay siguruhin

PINASISIGURO ng Partido ng Bayan ang Bida (PBB) Party-list na matibay ang konstruksyon ng mga government housing unit kasunod ng 6.1 magnitude na lindol na yumanig sa Metro Manila at Central Luzon kamakalawa.

The post Matibay, ligtas na pabahay siguruhin appeared first on Abante News Online.

matibay ligtas na pabahay siguruhin - Matibay, ligtas na pabahay siguruhin
pabahay 3 - Matibay, ligtas na pabahay siguruhin

PINASISIGURO ng Partido ng Bayan ang Bida (PBB) Party-list na matibay ang konstruksyon ng mga government housing unit kasunod ng 6.1 magnitude na lindol na yumanig sa Metro Manila at Central Luzon kamakalawa.

Sinabi ni PBB Party-list 1st nominee Atty. Imelda Cruz, mahalagang masiguro na ligtas at matibay ang mga pabahay ng gobyerno gayundin ang ibat ibang instraktura kasunod ng 6.1 lindol na naging dahilan ng pagguho ng isang 4-storey na supermarket sa Porac, Pampanga.

Tatlo ang kumpirmadong nasawi sa gumuhong supermarket habang dalawang katao din ang namatay sa Lubao matapos mabagsakan ng gumuhong pader kamakalawa nang hapon.

“Mahalagang matiyak na matibay ang itinatayong housing units gayundin ang mga high-rise condominium upang masigurong ligtas ang mga nakatira dito,” paliwanag ni Atty. Cruz ng PBB.

Isusulong ng PBB sa Kongreso ang mura, disente at abot-kayang pabahay sa mga Pilipino kasunod ng ulat na mahigit anim na milyon ang backlog ng gobyerno sa housing units.

“Dapat matiyak din ng gobyerno na matibay at ligtas na tirhan ang itatayong mga housing unit kapag naulit ang katulad na pagyanig,” giit pa ng PBB.

The post Matibay, ligtas na pabahay siguruhin appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *