Mata, kidney ng anak ido-donate ng Mati vice mayor

Ipagagamit ni Mati City Vice Mayor Glenda Rabat-Gayta sa mga nangangailangan ang mga mata at kidney ng namayapa niyang anak.

The post Mata, kidney ng anak ido-donate ng Mati vice mayor first appeared on Abante.

mata kidney ng anak ido donate ng mati vice mayor - Mata, kidney ng anak ido-donate ng Mati vice mayor
Theo Louis Gayta - Mata, kidney ng anak ido-donate ng Mati vice mayor

Ipagagamit ni Mati City Vice Mayor Glenda Rabat-Gayta sa mga nangangailangan ang mga mata at kidney ng namayapa niyang anak.

Sa ulat, sinabi ng bise alkalde na ido-donate sa taong nangangailangan ang mga mata at kidney ng namayapang si Theo Louis Gayta, 19, Bachelor of Arts in Mechanical Engineering student sa Ateneo de Davao University.

Pumanaw si Theo dahil sa tinamong tama ng bala sa ulo noong Lunes, Nob. 16.

“In his death, there are people who will be given a chance to live longer. Theo was best suited to be an organ donor considering his age and health,” pahayag ni Rabat-Gayta.

“It is inspiring to know that there will be people seeing the world through Theo’s eyes and there will be people who are given another chance in life,” dagdag niya.

Sa Nobyembre 22 iuuwi sa Mati City ang mga labi ni Theo para sa burol at libing. (IS)

The post Mata, kidney ng anak ido-donate ng Mati vice mayor first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *