Mascot dedo sa Japan heatwave

TINATAYANG 11 katao, kabilang na dito ang isang mascot sa amusement park ang namatay dahil sa heatwave sa Japan.

mascot dedo sa japan heatwave - Mascot dedo sa Japan heatwave
heatwave - Mascot dedo sa Japan heatwave

TINATAYANG 11 katao, kabilang na dito ang isang mascot sa amusement park ang namatay dahil sa heatwave sa Japan.

Bumagsak na lamang ang 28-anyos na performer sa Osaka amusement park habang suot ang 16 kilo na costume sa kanilang rehearsal noong Linggo nang gabi.

Dahil dito, kinansela ng Hirakata Park entertainment ang lahat ng costume event sa kabuuan ng summer.

Umaabot na sa 5,664 katao ang naospital dahil sa mainit na panahon, karamihan sa nabiktima ay mga senior citizen.

Pumalo sa 37°C ang temperatura sa Nagoya habang sa ibang lugar ng Japan ay higit sa 30°C ang magiging temperatura sa buong linggo.

Noong Hulyo 2018, nagdeklara ng natural disaster ang Fire and Disaster Management Agency matapos umakyat sa 65 katao ang namatay sa heatwave kung saan pumalo sa 41.1°C ang temperatura.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *