Masamang tumitig binistay ng bala

Nasa malubhang kalagayan ang 25-anyos na binata nang bistayin ng bala ng hindi kilalang rider, na umano’y nai­rita sa una dahil sa masamang tingin nito sa Malabon City, kahapon nang madaling-araw.

masamang tumitig binistay ng bala - Masamang tumitig binistay ng bala
gun 8 - Masamang tumitig binistay ng bala

Nasa malubhang kalagayan ang 25-anyos na binata nang bistayin ng bala ng hindi kilalang rider, na umano’y nai­rita sa una dahil sa masamang tingin nito sa Malabon City, kahapon nang madaling-araw.

Nakaratay sa Tondo Medical Center si Direk Calaan, kitchen staff, ng Brgy. Longos ng nasabing lungsod, matapos magtamo ng mga bala ng kalibre .40 sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Inilawaran ng mga saksi ang suspek na nasa edad 25 hanggang 30, 5’4” hanggang 5’6” ang height, at katamtaman ang pangangatawan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, ala-1:40 nang madaling-araw, nagla­lakad ang biktima sa kahabaan ng Salmon St. ng nasabing barangay.

Pagtapat nito sa harap ng Promise Land Baptist Church, nasalubong niya ang suspek na nakasakay sa motorsiklo at nagtama ang kanilang mga paningin.

Biglang bumuwelta ang rider at huminto ito sa harap ng biktima saka umano nagsabi na, “Bakit ang sama mong tumngin?”

Hindi pa man nakakasagot si Calaan, binunot na ng lalaki ang sukbit na baril at pinaputukan ito saka humarurot patakas.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente para makilala ang suspek. (Orlan Linde)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *