Masahistang bulag dinale ng agaw-cellphone sa Robinsons

arestado-arrested-timbog

ARESTADO ang isang 22-anyos na binata matapos nitong patusin ang cellphone ng isang bulag na masahista sa loob ng isang kilalang mall sa Imus City, Cavite.

The post Masahistang bulag dinale ng agaw-cellphone sa Robinsons appeared first on Abante News Online.

masahistang bulag dinale ng agaw cellphone sa robinsons - Masahistang bulag dinale ng agaw-cellphone sa Robinsons
arestado arrested timbog - Masahistang bulag dinale ng agaw-cellphone sa Robinsons

ARESTADO ang isang 22-anyos na binata matapos nitong patusin ang cellphone ng isang bulag na masahista sa loob ng isang kilalang mall sa Imus City, Cavite.

Nakakulong ngayon sa Imus City Custodial Center ang suspek na si Jay-Ar Cruz, ng Area 3, Emmanuel, Dasmarinas City, Cavite dahil sa reklamo ni Novo Espinosa, 44, may asawa, isang massage therapist ng Brgy. Pantaleon, Granados GMA, Cavite.

Sa ulat ni PS/MSgt Elmer Pardilla ng Imus City Police Sttaion, alas-10:40, Linggo (Hunyo 23) nang umaga nang naganap ang insidente sa 3rd Floor ng Robinsons Place, Tansang Luma 4, Imus City, Cavite kung saan ay mag-isang naglalakad ang biktima gamit ang kanyang tungkod.

Naglalakad din sa nasabing palapag ang suspek at nakasalubong nito ang biktima na hawak ang kanyang cellphone na isang Samsung Prime na nagkakahalaga ng P4,500.

Biglang pinasok ng demonyo ang utak ng suspek at nang napansin na walang tao sa lugar ay agad nitong sinikwat ang cellphone ng bulag pero tiyempo namang may dumating na guwardiya at nakita ang suspek kaya hinabol nito na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto. (Gene Adsuara)

The post Masahistang bulag dinale ng agaw-cellphone sa Robinsons appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *