Mas matinding traffic sa EDSA, C-5 ngayong weekend

MAKAKARANAS na naman ng matinding trapik sa ilang lugar ng Kalak­hang Maynila ngayong weekend dahil isasara ang ilang mga lugar sa Kalakhang Maynila bunsod nang ipatutupad na road re-blocking ng Department of Public Works and Highways (DPWH) simula kahapon.

mas matinding traffic sa edsa c 5 ngayong weekend - Mas matinding traffic sa EDSA, C-5 ngayong weekend
traffic 1 2 - Mas matinding traffic sa EDSA, C-5 ngayong weekend

MAKAKARANAS na naman ng matinding trapik sa ilang lugar ng Kalak­hang Maynila ngayong weekend dahil isasara ang ilang mga lugar sa Kalakhang Maynila bunsod nang ipatutupad na road re-blocking ng Department of Public Works and Highways (DPWH) simula kahapon.

Sa abiso kahapon ng Metropolitan Manila Development Authorit­y (MMDA) ang mga apek­tadong lugar ay ang southbound ng EDSA Magallanes-Baclaran Bus Stop hanggang Magallanes-Alabang Bus Stop (outer lane), EDSA pagkatapos ng Camp Crame Gate hanggang Annapolis St. (outer lane), EDSA Bansalangin hanggang North Avenue U-turn (5th lane from sidewalk).

Apektado rin ang Eastbound lane ng Quirino Highway Salvia St. hanggang bago mag-Belfast Road (oute­r lane), Elliptical Road pagkatapos ng Maharlika St. (8th lane from outer sidewalk).

Gayundin ang Westbound lave ng Novaliches General Luis St. Samote St. hanggang SB Road. at Northbound ng A. Bonifacio Ave. J. Pineda to Marvex Drive (1st lane from sidewalk) EDSA.

Simulan ang road re-blocking dakong alas-11:00 kagabi at matatapos ito ng alas-singko nang umaga araw ng Lunes.

(Armida Rico)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *