Mas marami pang importanteng reporma, ilalarga — Salceda

KUNG mayroong aasahan ang sambayanan mula sa mga kaalyadong mambabatas ng administrasyong Duterte, ito ay mas malawak at makabuluhan ang mga reporma batay sa mga bagong batas at programa.
The post Mas marami pang importanteng reporma, ilalarga — Salceda appeared first on Abante News Online.


KUNG mayroong aasahan ang sambayanan mula sa mga kaalyadong mambabatas ng administrasyong Duterte, ito ay mas malawak at makabuluhan ang mga reporma batay sa mga bagong batas at programa.
Ganito nakikita ni Albay Rep. Joey Salceda, ang ‘resident economist’ ng Kamara, kung saan “sisentro ang inaasahang mga reporma sa paghikayat ng mga mamumuhunan sa Pilipinas upang maging ‘globally competitive’ ito”.
Ang mga reporma, ayon sa solon, ay nasa tatlong larangan — ‘economic, political and social’—at magsisilbing pangatlong haligi ng ‘Dutertenomics”, isang estratehiyang pangkabuhayan na ang puntirya ay “pabilisin ang paglawak ng kakayahan ng bansa sa politika at pananalapi tungo sa pag-unlad”.
Ang ‘Dutertenomics’ ay isang salitang binuo at ginamit ni Salceda sa kanyang 105-pahinang balangkas na inihain niya kay Pangulong Rodrigo Duterte sa simula ng kanyang panunungkulan noong Hulyo 2, 2016.
Isang programa ito na naglalayong palawakin ang ‘middle class’ at itaas ang antas ng pamumuhay ng limang milyong pamilya mula sa kahirapan.
The post Mas marami pang importanteng reporma, ilalarga — Salceda appeared first on Abante News Online.