Marunong ang mga Puno, FDA ginatasan — Duterte

MARAMI ang natuwa at nagbunyi sa pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa dating director ge­neral ng Food and Drug Administration (FDA) na si Nela Charade Puno.

The post Marunong ang mga Puno, FDA ginatasan — Duterte appeared first on Abante News Online.

marunong ang mga puno fda ginatasan duterte - Marunong ang mga Puno, FDA ginatasan — Duterte
duterte 57 - Marunong ang mga Puno, FDA ginatasan — Duterte

MARAMI ang natuwa at nagbunyi sa pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa dating director ge­neral ng Food and Drug Administration (FDA) na si Nela Charade Puno.

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa thanksgiving party para kay Senator-elect Bong Go sa Davao City noong Huwebes nang gabi na pati ang presidente ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) ay nagpasalamat sa naging aksiyon nito.

Bagama’t hindi tinukoy ng Pangulo ang tunay na dahilan nang pagsibak kay Puno, ipinahiwatig nitong may kinalaman ito sa korapsiyon.

Ang sinibak na FDA chief ay asawa ni dating Road Board Executive Director Rodolfo ‘Dody’ Puno.

“Biro mo pati ‘yung president ng Philippine Chamber of Commerce nagpasalamat. Kaya ako wala na ako. Noong nalaman ko, diretso na. Hindi ako nagbibigay ng kuwan kung mag-abot tayo,” anang Pangulo.

Sinabi ng Presidente na tumulong ang asawa ni Puno sa kanya at marunong aniya ang mga ito pero hindi niya alam na bihasa pala ang mga ito.

“‘Yung asawa ni Puno. Because he helped me. He offered to help. Marunong ‘yang mga Puno. Sabi ko noong pagkatapos na, hindi ko alam na gold mine pala ‘yan sa mga corrupt,” dagdag pa ng Pangulo.

Unang nagpaabot ng pasasalamat sa pagsibak ng Pangulo kay Puno ay ang pangulo ng Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines at ilang mga doktor, kabilang na ang kanyang doktor na nagpaabot ng reklamo sa kanya laban sa dating FDA chief. (Aileen Taliping)

The post Marunong ang mga Puno, FDA ginatasan — Duterte appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *