Martial Law sa Negros Oriental ikakasa ni Duterte

Duterte kumambyo, type bumiyahe sa US

NAPUNDI na si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga karahasan ng New Peoples Army (NPA) sa Negros Oriental kayat nagbantang magdeklara ng Martial Law para mawakasan ang panggugulo ng mga rebelde sa lalawigan.

martial law sa negros oriental ikakasa ni duterte - Martial Law sa Negros Oriental ikakasa ni Duterte
duterte 92 - Martial Law sa Negros Oriental ikakasa ni Duterte

NAPUNDI na si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga karahasan ng New Peoples Army (NPA) sa Negros Oriental kayat nagbantang magdeklara ng Martial Law para mawakasan ang panggugulo ng mga rebelde sa lalawigan.

Sa harap na rin ito ng mga ginagawang pagpatay ng rebeldeng grupo kagaya na lamang ang ginawa sa apat na miyembro ng Philippine National Police (PNP) na pinahirapan muna bago tuluyang pinaslang.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, sobra na ang ginagawa ng mga rebelde at sinasamantala ang mga nangyayaring agawan sa lupa sa lalawigan para makapaghasik ng kaguluhan.

“The Chief Executive is cautioning the ene­mies of the states in the island of Negros that he will use his emergency powers under the Constitution to quell the lawless violence engulfing the island, as well as to crush all forms of threat aimed to destroy the government,” ani Panelo.

Sa kasalukuyan ay sa Mindanao lamang umiiral ang Martial Law, pero ayon kay Panelo “The Constitution says you can declare martial law in the entire country or parts thereof.”

Kasabay ng bantang paggamit ng emergency powers ay itinaas ni Pangulong Duterte sa limang milyong piso ang alok na pabuya buhay man o patay sa mga pumatay sa apat na pulis, at isang daang libong piso sa ulo ng mga kasabwat sa pagpatay. Sinabi ni Panelo na isa sa mga ikinagalit ng Pangulo ay ang mistulang paghahari-harian ng mga NPA sa lalawigan kung saan sila na ang nagpapasya kung sino ang dapat na magmamay-ari sa mga lupain sa Negros Oriental.

Nakahanda aniya si Pangulong Duterte na tapatan ang paghahasik ng kaguluhan ng mga NPA para maprotektahan ang mga inosenteng sibilyan at mga awtoridad sa lalawigan.

“The President vows to replicate the atrocious acts done by the communist rebels to the civilians, the barangay officials and the law enforcers against these murderers in defense of our countrymen,” dagdag pa ni Panelo.

Mariin nang itinanggi ni Ka Ann Jacinto, spokesperson ng NPA-Apolinario Gatmaitan Command ang koneksyon ng mga rebelde sa patayan sa Negros Oriental.

“Kinokondena ng NPA ang sunod-sunod na patayan sa Negros Oriental. Sa pagkakaalam ng NPA, ito ay bahagi pa ng Operation Sauron at kasinungalingan ang pahayag ni Gen. (Benedict) Arevalo na ‘yung mga biktima ang responsible ay mga NPA,” diin ni Jacinto. ­(Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *