Martial Law ‘di kailangan sa Sulu

TUTOL si Western Mindanao Command (WestMinCom) chief Major General Corleto Vinluan Jr. sa mga panawagan na ilagay ang lalawigan ng Sulu sa Martial Law kasunod ng pambobomba noong Lunes.

The post Martial Law ‘di kailangan sa Sulu first appeared on Abante.

martial law di kailangan sa sulu - Martial Law ‘di kailangan sa Sulu
abante martial law - Martial Law ‘di kailangan sa Sulu

TUTOL si Western Mindanao Command (WestMinCom) chief Major General Corleto Vinluan Jr. sa mga panawagan na ilagay ang lalawigan ng Sulu sa Martial Law kasunod ng pambobomba noong Lunes.

Sinabi ni Vinluan na maituturing na “shared responsibility” ng mga sundalo, pulis at sibilyan ang pagpigil at pagkontra sa terorismo.

“Actually during our meeting, presided by the governor with the attendance of municipal mayors and other stakeholders, I emphasized that with the active participation of local officials, down to barangay level including civilians, we no longer need the declaration of martial law,” sinabi ni Vinluan sa panayam sa ABS-CBN News Channel.

Naniniwala si Vinluan na sapat ang bilang ng mga sundalo at pulis sa lugar para mapigilan ang mga terorista.

Naunang sinabi ni Philippine Army chief Lieutenant General Cirilito Sobejana na dapat ay isailalim ulit sa martial law ang Sulu para maiwasan pa ang mga aktibidad ng mga terorista.

Naunang naghayag ng pagtutol sa Martial law sina Governor Abdusakur Tan at Defense Secretary Delfin Lorenzana. (Kiko Cueto)

The post Martial Law ‘di kailangan sa Sulu first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *