Market vendor binutasan ng bungo sa harap ng mga anak

BUMULAGTA ang isang negosyanteng lalaki nang barilin sa ulo sa harap ng kanyang dalawang anak habang nasa loob ng kanyang puwesto sa Sta. Maria Public Market sa Pangasinan noong Lunes.

market vendor binutasan ng bungo sa harap ng mga anak - Market vendor binutasan ng bungo sa harap ng mga anak
empleyado baril patay - Market vendor binutasan ng bungo sa harap ng mga anak

BUMULAGTA ang isang negosyanteng lalaki nang barilin sa ulo sa harap ng kanyang dalawang anak habang nasa loob ng kanyang puwesto sa Sta. Maria Public Market sa Pangasinan noong Lunes.

Ayon kay Sta. Maria Police Station officer-in-charge P/Capt. Rowel Albano, kinilala ang biktima na si Abdula Sumagay, 36, ng nasabing bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ni Albano, ayon sa isa sa mga anak ni Sumagay, ang dalawang hindi pa nakikilalang suspek ay namimili ng mga paninda ng biktima nang isa sa mga ito (suspek) ang bumunot ng baril at walang sabi-sabi na binaril sa ulo ang biktima ng isang beses.

Ang isa pang suspek ay nagsilbing lookout na mabilis tumakas pagkatapos ang pamamaril.

Dahil sa pangyayari, na-trauma umano ang dalawang anak ng biktima makaraang makita kung paano barilin sa ulo ang kanilang ama.

Agad binawian ng buhay ang biktima dahil sa tama ng .45 pistol at narekober ng Scene of the Crime Ope­ration (SOCO) ang isang basyo ng bala nito.

Patuloy na nagsasagawa ng follow-up operation ang SMPS hinggil sa insidente. (Allan Bergonia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *