Mark Villar hindi kailangan mangurakot

Ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar kaugnay sa isyu ng corruption sa kanyang ahensiya.

The post Mark Villar hindi kailangan mangurakot first appeared on Abante.

mark villar hindi kailangan mangurakot - Mark Villar hindi kailangan mangurakot
abante mark villar 2 - Mark Villar hindi kailangan mangurakot

Ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar kaugnay sa isyu ng corruption sa kanyang ahensiya.

Sa regular na mensahe sa bayan ng Pangulo tuwing Lunes, sinabi ng Pangulo na sa mababang level na mga tanggapan ng DPWH nagaganap ang korapsiyon.

Hindi na aniya kailangan ni Villar ang pera dahil mayaman ito pero ang problema ay nasa mababang posisyon ang mga gumagawa ng katiwalian sa DPWH.

“Si Villar, mayaman. Maraming pera. Hindi niya kailangang mangurakot. Ang problema, sa baba. Malakas pa rin hanggang ngayon,” anang Pangulo.

Matatandaang sa nakalipas na mensahe nito sa bayan ay sinabi ng Presidente na kalimitang mga project engineer ang nasasangkot sa korapsiyon .

“Iyang mga project sa baba, iyon ang laro diyan. So we might place another structure there to improve the integrity of the projects,” dagdag ng Pangulo.

Muling hinikayat ni Pangulong Dutere ang publiko na ireport sa 8888 ang mga nalalamang katiwalian laban sa mga opisyal ng gobyerno dahil hindi aniya nito palulusutin at patatawarin ang mga ito.(Aileen Taliping)

The post Mark Villar hindi kailangan mangurakot first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *