Marikina, 6 probinsya bawal taas presyo sa bilihin

Inanunsyo ng Malacañang Biyernes ang pagpapatupad ng price freeze sa lahat ng mga batayang bilihin sa Marikina City at anim pang probinsya na hinagupit ng bagyong `Ulysses’.

The post Marikina, 6 probinsya bawal taas presyo sa bilihin first appeared on Abante.

marikina 6 probinsya bawal taas presyo sa bilihin - Marikina, 6 probinsya bawal taas presyo sa bilihin
bilihin - Marikina, 6 probinsya bawal taas presyo sa bilihin

Inanunsyo ng Malacañang Biyernes ang pagpapatupad ng price freeze sa lahat ng mga batayang bilihin sa Marikina City at anim pang probinsya na hinagupit ng bagyong `Ulysses’.

Sa ginanap na briefing ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Biyernes, inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pinatupad ng Department of Trade and Industry (DTI) ang price freeze sa mga sumusunod na lugar: Marikina City, Batangas, Camarines, Catanduanes, Cavite, Mindoro, at Palawan

Aniya pa, epektibo sa loob ng 60 araw ang pagbabawal na magtaas ng presyo ng mga bilihin sa mga nasabing lugar.

“Pinapaalalahanan din ng DTI na base sa Republic Act 7581 o Price Act ang mga presyo ng mga basic necessities na idedeklarang nasa ilalim ng state of calamity ay frozen sa kanilang prevailing prices sa ilalim ng automatic price control sa loob ng 60 araw,” ani Roque. (Prince Golez)

The post Marikina, 6 probinsya bawal taas presyo sa bilihin first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *