Marikeño ihiningi ng tulong ni Teodoro

Sumasamo si Marikina Mayor Marcy Teodoro ng tulong para maibigay sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses sa nasasakupang lungsod.

The post Marikeño ihiningi ng tulong ni Teodoro first appeared on Abante.

marikeno ihiningi ng tulong ni teodoro - Marikeño ihiningi ng tulong ni Teodoro
Mayor Marcy Teodoro - Marikeño ihiningi ng tulong ni Teodoro

Sumasamo si Marikina Mayor Marcy Teodoro ng tulong para maibigay sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses sa nasasakupang lungsod.

“Manghihingi po ako ng tulong para sa mga kababayan ko. Marami pa po kaming mga evacuees na nananatili sa evacuation center. Marami pong mga bata, sanggol, kababaihan, iba buntis, marami rin po kaming matatanda na nasa evacuation centers. Pagkain po ang kailangan namin, tubig na maiinom, gamot o vitamins, mga diaper at gamit po ng mga bata,” saad ni Teodoro sa TeleRadyo.

Hinimok ni Teodoro na magtungo ang mga nais mag-donate sa kanilang mga evacuation center.

Inamin din ng alkalde na sa ngayon ay pokus nila ang makatawid sa epekto ng bagyo kasabay ng pandemya.

“Napakahirap, kasi nasa gitna tayo ng pandemic, marami ang walang trabaho, naghihirap na, tapos ito pa binaha ang Marikina,” aniya pa.

The post Marikeño ihiningi ng tulong ni Teodoro first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *