Mariel uminit ulo sa hotdog

Tawa nang tawa ang mga follower ni Mariel Rodriguez sa kanyang Instagram dahil sa pag-init ng ulo nito sa ‘hotdog’. Mapapanood sa IG ni Mariel ang isang bahagi ng kanyang vlog sa “Cooking Ina Show”, na nangangailiti siya sa galit nang hindi magustuhan ang pagkakatusok sa hotdog na ginawa ng staff niya.

mariel uminit ulo sa hotdog - Mariel uminit ulo sa hotdog
abante mariel padilla - Mariel uminit ulo sa hotdog

Tawa nang tawa ang mga follower ni Mariel Rodriguez sa kanyang Instagram dahil sa pag-init ng ulo nito sa ‘hotdog’. Mapapanood sa IG ni Mariel ang isang bahagi ng kanyang vlog sa “Cooking Ina Show”, na nangangailiti siya sa galit nang hindi magustuhan ang pagkakatusok sa hotdog na ginawa ng staff niya.

Tumalak si Mariel sa assistant at ilang beses nitong pinintasan ang hotdog na “pinakapangit na hotdog” na nakita raw niya sa buong buhay niya.

Parang luka-luka si Mariel na minsan ay tumatawa sa pamimintas sa hotdog at minsan ay bumabaling sa staff sa panggigil nito.

Hindi sineryoso si Mariel sa galit at talak niya sa staff. Tinawanan lang siya ng mga follower at mga kaibigan niyang artista sa pagtataray niya. (Rey Pumaloy)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *