Maricel type maging ‘horror queen’

maricel-soriano

Kasado na ang pagbabalik muli ni Maricel Soriano sa Regal Entertainment. Huli siyang napanood sa Mother’s Day film na “My 2 Mommies” na tumabo sa takilya.

The post Maricel type maging ‘horror queen’ appeared first on Abante News Online.

maricel type maging horror queen - Maricel type maging ‘horror queen’
maricel soriano002 - Maricel type maging ‘horror queen’

abante i know better jun nardo 336x224 - Maricel type maging ‘horror queen’Kasado na ang pagbabalik muli ni Maricel Soriano sa Regal Entertainment. Huli siyang napanood sa Mother’s Day film na “My 2 Mommies” na tumabo sa takilya.

This time, si Janella Salvador ang makakasama niya at si Frasco Mortiz ang direktor.

Ang title ng movie nina Maria at Janella ay “The Heiress.” Eh nakilala mang komed­yante ang Diamond Star, napakagaling din niyang dramatic actress, huh!
Pero ang balitang lumabas ay horror movie ang pagsasamahan nina Maria at Janella.

Huli namang napanood si Janella sa Regal movie na “My Fairy Tail Love Story” at “So Connected.”

Jericho Ejercito film swak sa Netflix

Swak sa standards ng Netflix ang pelikulang gusto niyang gawin. Sa nga­yon, ang launching movie ng anak na si Jericho Ejercito, ang “Pancho Villa,” ang ginagawa ng production niya.

Eh ipapasok niya ang tinawag niyang 3Ds sa gagawin niyang movie – Destroy Property, Display Unity at Defy Authorities.

“So nandiyan ‘yan. Kumpleto sa pelikulang gagawin ko naman,” pahayag ni former Laguna governor ER Ejercito sa malaking presscon na ipinatawag niya.

Ipinaliwanag ng dating gobernador na biktima siya ng fake news dahil kumalat ang balitang hindi na siya puwedeng kumandidato sa anumang public office.

“It’s not true and pure black propaganda being circulated by paid media,” saad ni ER sa presscon.

Nag-ugat ang ma­ling balita nang sampahan siya ng reklamo sa Ombudsman kaugnay ng paggawa ng Accident Protection Assistance nu’ng mayor pa siya ng Pagsanjan, Laguna. Para ito sa proteksyon ng turista at bangkero sa Pagsanjan dahil nagkaroon ng mga aksidente dahil sa shoo­ting sa rapids.

Nitong Marso 2019, hinatulan siya ng Sandiganbayan pati na mga dating councilors sa paglabag sa Section 3 (e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Ayon kay Gov. ER, hindi siya diskuwapikadong tumakbo sa public office dahil hindi final and executory ang desisyon ng Sandiganbayan. Nagbayad na rin siya ng bail na P30,600 at may motion for reconsideration na siyang nakabinbin sa Sandiganbayan.

The post Maricel type maging ‘horror queen’ appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *