Maria Ressa sinopla ng journalist sa London forum

SINUPALPAL ng isang Canadian journalist si Rappler CEO Maria Ressa matapos tangkain nitong ipahiya ang una na isang diehard supporter umano ni Pangulong Rodrigo Duterte.

The post Maria Ressa sinopla ng journalist sa London forum appeared first on Abante News Online.

maria ressa sinopla ng journalist sa london forum - Maria Ressa sinopla ng journalist sa London forum
ABANTE ressa 3 - Maria Ressa sinopla ng journalist sa London forum

SINUPALPAL ng isang Canadian journalist si Rappler CEO Maria Ressa matapos tangkain nitong ipahiya ang una na isang diehard supporter umano ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Dumalo sa “Defend Media Freedom Conference” sa London si Ezra Levant, media personality sa Canada at libertarian political activist na siyang nagpapatakbo ng The Rebel website.

Nagbigay ng katanungan si Levant para sagutin sana ni forum mode­rator na si Nishant Lalwani pero umeksena si Ressa.

“Can I respond to this? I’m gonna use you as a proxy for President Duterte,” wika ni Ressa habang nakaturo ang dalawang daliri kay Levant.

Agad namang binara ni Levant si Ressa na halos mamula ang mukha.

“No don’t do that. I’m not a proxy for Duterte,” diin ni Levant.

Inakusahan ni Levant si Lalwani, director of investments ng Luminate group ng Omidyar, at si Ressa na nasa payroll ni left-wing media oligarch Pierre Omidyar.

Kinuwestyon din ni Levant ang pag-iisponsor ng dalawa sa media forum.

The post Maria Ressa sinopla ng journalist sa London forum appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *