Marcos, Calida sabwatan – Robredo camp

ITINANGGI man ay mayroon pa ring nakikitang posibilidad ng sabwatan ang kampo ni Vice President Leni Robredo sa pagitan ni dating senador at natalong 2016 vice presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at Solicitor General Jose Calida kaugnay sa nakasampang poll protest sa Korte Suprema.

The post Marcos, Calida sabwatan – Robredo camp first appeared on Abante.

marcos calida sabwatan robredo camp - Marcos, Calida sabwatan – Robredo camp
abante marcos - Marcos, Calida sabwatan – Robredo camp

ITINANGGI man ay mayroon pa ring nakikitang posibilidad ng sabwatan ang kampo ni Vice President Leni Robredo sa pagitan ni dating senador at natalong 2016 vice presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at Solicitor General Jose Calida kaugnay sa nakasampang poll protest sa Korte Suprema.

Sinabi ni Atty. Emil Marañon, abogado ni VP Robredo na plano nilang kwestyunin sa korte ang tinatawag nilang “very abnormal” at “very suspicious” na sabayang paghahain ng kampo ni Marcos at OSG sa pagitan ng pribadong kaso nina Robredo at Marcos.

Hiniling ni Marcos sa pamamagitan ng mosyon sa SC na mag-inhibit si Associate Justice Marvic Leonen sa apat na taong poll protest dahil nadedelay daw ang hustisya.

Naghain din ang Solicitor General (OSG) ng kaparehong mosyon ilang oras lang ang nakalipas.

Sinabi ni Marañon na “physically impossible” para sa OSG na maghanda ng sariling mosyon na mag-inhibit at i-file agad sa kaparehong araw na inihain ng kampo ni Marcos.

“But ‘yung punto natin po [is] the apparent collusion, as submitted by Mr. Marcos earlier on, is very apparent po sa action ng Solicitor General. He’s coming in as the Tribune of the People supposedly, but ang tanong namin po, bakit doon po siya kumakampi sa natalo, ‘yung ni-reject ng taumbayan?” sinabi nito.

“Bakit hindi po doon sa nanalo kung totoong Tribune of the People po siya? Ang tanong namin po, baka tribune of Mr. Marcos po si Solicitor General Calida po,” dagdag ni Maranon.

Pareho din halos ang mga ginamit na salita sa parehong argumento.

Naunang itinanggi ni Marcos na nagkakausap sila ng OSG.

“We have not been in any kind of communication with the SolGen’s office. I’m sure that the SolGen is perfectly capable of acquiring a copy, so I’m sure he was able to read our motion before he filed his own motion. Again, you will have to ask the SolGen how that came about,” sinabi nito.

Sinabi ni Marañon, na inabandona ng OSG ang kliyente nito na Commission on Elections, para paboran si Marcos.

“And actually his action of being actively participating in this case when supposedly a protest case is a private suit between the Vice President and Bongbong Marcos, there’s no government agency involved here, so bakit siya nakikisawsaw sa kaso ng Vice President natin po?” giiit pa ng kampo ni Robredo.(Kiko Cueto)

The post Marcos, Calida sabwatan – Robredo camp first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *