Marawi rehab fund kakarampot

Kinuwestiyon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang napakaliit na alokasyon sa rehabilitasyon ng Marawi City sa ilalim ng panukalang P4.5 trilyong national budget para sa 2021.

The post Marawi rehab fund kakarampot first appeared on Abante.

marawi rehab fund kakarampot - Marawi rehab fund kakarampot
marawi rehab - Marawi rehab fund kakarampot

Kinuwestiyon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang napakaliit na alokasyon sa rehabilitasyon ng Marawi City sa ilalim ng panukalang P4.5 trilyong national budget para sa 2021.

Sa kanilang pagsasaliksik, sinabi ni Drilon na ang pinsala sa Marawi City ay nasa P70 bilyon subalit P3.5 bilyon lamang ang inilaan ngayong 2020 at P5 bilyon sa susunod na taon.

“The rehabilitation fund is grossly insufficient,” pahayag ni Drilon sa deliberasyon sa Senado.

Ayon kay Drilon, mismong ang mga residente na ng Marawi na ang nagrereklamo na napakabagal ng rehabilitasyon sa kanilang lungsod.

Nauna nang sinabi ni Task Force Bangon Marawi chairman at Housing Secretary Eduardo Del Rosario na plano ng gobyerno na tapusin ang rehabilitasyon sa Disyembre 2021 subalit duda si Drilon sa timeline ni Del Rosario lalo na’t kakarampot lamang ang pondong inilaan para dito ngayong taon at sa 2021. (Dindo Matining)

The post Marawi rehab fund kakarampot first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *