Marami ng pinerwisyo! Paputok business ‘pinatay’ na

Namimiligrong magtuloy-tuloy na ang pagkamatay ng industriya ng paputok sa bansa matapos pagsabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang manufacturers na maghanap na ng ibang paggamitan ng kanilang pulbura.

The post Marami ng pinerwisyo! Paputok business ‘pinatay’ na first appeared on Abante.

marami ng pinerwisyo paputok business pinatay na - Marami ng pinerwisyo! Paputok business ‘pinatay’ na
abante paputok 2 - Marami ng pinerwisyo! Paputok business ‘pinatay’ na

Namimiligrong magtuloy-tuloy na ang pagkamatay ng industriya ng paputok sa bansa matapos pagsabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang manufacturers na maghanap na ng ibang paggamitan ng kanilang pulbura.

Sa kanyang regular na mensahe sa bayan, sinabi ng Pangulo na napakatagal ng panahon na nagdudulot ng pinsala sa kalusugan at buhay ng mga tao ang mga ginagamit na paputok subalit walang napaparusahan.

Panahon na aniya para maghanap ng ibang pagkakitaan ang firecracker manufacturers dahil marami sa mga produkto ng mga ito ay namiminsala sa mga tao.

“Panahon na siguro na you shift to another or look for something where you can use the powders there,” anang Pangulo.

Binigyang-diin ng Pangulo na marami na ang namatay, nawalan ng kamay, nabulag at habang buhay na nagdurusa dahil sa pinsalang tinamo sa mga hindi ligtas na paputok subalit nagpapatuloy ang paggamit sa mga ito tuwing pasko at bagong taon.

Nakapagtatakang walang naparusahan o nakulong na gumagawa ng paputok sa kabila ng pinsalang idinulot ng kanilang produkto sa mga tao .

“You do not assume responsibility at all. Wala akong nakita na may hinabol ang gobyerno at nakulong dahil sa inferior or wrongly -manufactured firecrackers,” dagdag ng pangulo. (Aileen Taliping)

The post Marami ng pinerwisyo! Paputok business ‘pinatay’ na first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *